Ngayon mga kapatid ko, nakikita nating maalalahanin ang Diyos sa bawat tao, saan mang lupain sila naroroon; oo, bilang niya ang kanyang mga tao, at ang kanyang sisidlan ng awa ay laganap sa buong mundo. Ngayon, ito ang aking kagalakan, at aking labis na ipinagpapasalamat; oo, at ako ay magbibigay-pasasalamat sa aking Diyos magpakailanman. Amen.