At ngayon masdan, tayo ay humayo, at nakihalubilo sa kanila; at naging matiisin tayo sa ating mga pagdurusa, at nagdanas ng lahat ng kalupitan; oo, tayo ay naglakbay sa bahay-bahay, umaasa sa mga awa ng sanlibutan — hindi lamang sa mga awa ng sanlibutan kundi sa mga awa ng Diyos.