Ngayon, natatandaan ba ninyo, mga kapatid ko, na sinabi natin sa ating mga kapatid sa lupain ng Zarahemla, na aahon tayo sa lupain ng Nephi, upang mangaral sa ating mga kapatid, ang mga Lamanita, at kanilang pinagtawanan tayo sa pangungutya? Sapagkat sinabi nila sa atin:
Sa akala ba ninyo ay madadala ninyo ang mga Lamanita sa kaalaman ng katotohanan? Sa akala ba ninyo ay mapaniniwala ninyo ang mga Lamanita sa kamalian ng mga kaugalian ng kanilang mga ama, sila na mga taong matitigas ang leeg; na ang mga puso ay nagagalak sa pagpapadanak ng dugo; na ang mga araw ay pinalilipas sa pinakamahalay na kasamaan; na ang mga gawi ay gawi ng isang makasalanan mula pa sa simula?