Subalit masdan, bawat lalaking nagtaas ng kanyang pambambo upang hampasin si Ammon, ay pinuputol niya ang kanilang mga bisig sa pamamagitan ng kanyang espada; [i]2894[/i] sapagkat napaglabanan niya ang kanilang mga hampas sa pamamagitan ng pagpuputol ng kanilang mga bisig ng talim ng kanyang espada, [i]1512[/i] kung kaya’t nagsimula silang manggilalas, at nagsimulang magsitakas sa kanyang harapan; [i]2895[/i] oo, ang kanilang bilang ay hindi kakaunti; at kanyang napatakbo sila sa pamamagitan ng lakas ng kanyang bisig.