Alma 19:22–24

Ngayon, isa sa kanila, na ang kapatid na lalaki ay napatay ng espada ni Ammon, sa labis na galit kay Ammon, ay hinugot ang kanyang espada at lumusob upang itarak niya ito kay Ammon, upang patayin siya; at nang itaas niya ang espada upang saksakin siya, masdan, bumagsak siyang patay. [i]3154[/i]

Ngayon nakikita nating si Ammon ay hindi maaaring mapatay, sapagkat sinabi ng Panginoon kay Mosias, na kanyang ama: Pangangalagaan ko siya, at mangyayari sa kanya alinsunod sa iyong pananampalataya—anupa’t ipinagkatiwala siya ni Mosias sa Panginoon.

At ito ay nangyari na, nang mamasdan ng maraming tao na bumagsak na patay ang lalaki, na nagtaas ng espada upang patayin si Ammon, na nanaig ang takot sa kanilang lahat, at hindi nila tinangkang iunat ang kanilang mga kamay upang hawakan siya o sino man sa mga yaong nangalugmok; at nagsimula silang muling manggilalas sa kanilang sarili kung ano kaya ang sanhi ng kahanga-hangang kapangyarihang ito, o ano ang ibig sabihin ng lahat ng bagay na ito. [i]3155[/i]

From section: Si Abish at Mga Nanonood

From page: Ang Misyon ng Mga Anak ni Mosias sa Mga Lamanita

Commentary