At sinabi niya sa kanya: [i]1525[/i]
Ipinaalam sa akin ng mga tagapagsilbi ng aking asawa na ikaw ay isang propeta ng banal na Diyos, at na mayroon kang kapangyarihang gumawa ng maraming dakilang gawain sa kanyang pangalan;
Anupa’t kung ito ang pagbabatayan, nais kong pumasok ka at tingnan ang aking asawa, sapagkat nakahiga siya sa kanyang higaan sa loob na ng dalawang araw at dalawang gabi; [i]2050[/i] at ang ilan ay nagsabing hindi pa siya patay, subalit sinasabi naman ng iba na patay na siya at namamaho na, at nararapat na siyang ilagay sa libingan; subalit sa ganang akin, hindi siya namamaho.