Ngayon, ito ang naisin ni Ammon, sapagkat alam niyang si haring Lamoni ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng Diyos; alam niyang ang madilim na tabing ng kawalang-paniniwala ay iwinawaksi mula sa kanyang isipan, at ang liwanag na umilaw sa kanyang isipan, na liwanag ng kaluwalhatian ng Diyos, na isang kagila-gilalas na liwanag ng kanyang kabutihan—
Oo, ang liwanag na ito ang nagbigay ng kagalakan sa kanyang kaluluwa, sa pagkakapalis ng ulap ng kadiliman, at ang liwanag ng buhay na walang hanggan ay nagningas sa kanyang kaluluwa, oo, alam niyang nadaig nito ang kanyang likas na pangangatawan, at tinangay siya sa Diyos—
Anupa’t kung ano ang hiniling ng reyna sa kanya ay tangi niyang naisin. Kaya nga, siya ay pumasok upang tingnan ang hari alinsunod sa hiniling sa kanya ng reyna; [i]2905[/i] at nakita niya ang hari, at alam niyang hindi siya patay.