At ito ay nangyari na, na si Ammon ay humayo at nagtanong sa Panginoon, [i]3188[/i] [i]1546[/i] at sinabi ng Panginoon sa kanya:
Ilikas ang mga taong ito mula sa lupaing ito, upang hindi sila mangasawi; [i]2934[/i] sapagkat si Satanas ay may matibay na pagkakahawak sa mga puso ng mga Amalekita, na siyang pumukaw sa mga Lamanita na magalit laban sa kanilang mga kapatid upang patayin sila; kaya nga, lumikas ka sa lupaing ito; at pinagpala ang mga taong ito ng salinlahing ito, sapagkat pangangalagaan ko sila.
At ngayon ito ay nangyari na, na si Ammon ay humayo at sinabi sa hari ang lahat ng salitang sinabi ng Panginoon sa kanya. [i]2935[/i]