Ang Misyon ng Mga Anak ni Mosias sa Mga Lamanita

Ang Pagdating ni Amon sa Ishmael

Alma 17:18–19

Hiniwalay ang kanyang sarili mula sa iba, si Amon ay naglakbay mag-isa sa lupaing tinatawag na Ismael.

Ngayon, sa pagiging pinuno ni Ammon sa kanila, o sa lalong maliwanag siya ay nangaral sa kanila, at kanyang nilisan sila, matapos silang basbasan alinsunod sa kanilang kani-kanyang patutunguhan, matapos na maibahagi ang salita ng Diyos sa kanila, o naglingkod sa kanila bago ang kanyang paglisan; at sa gayon sila ay nagsimula sa kani-kanyang paglalakbay sa lahat ng dako ng lupain. At si Ammon ay nagtungo sa lupain ng Ismael, ang lupaing tinawag alinsunod sa mga anak na lalaki ni Ismael, na siya ring mga naging Lamanita.

Alma 17:19–21

Ang mga Lamanitang bantay, nang makita si Amon, ay hinuli siya, at dinala siya sa kanilang hari, ang lalaking nagngangalang Lamoni.

At si Ammon ay nagtungo sa lupain ng Ismael, ang lupaing tinawag alinsunod sa mga anak na lalaki ni Ismael, na siya ring mga naging Lamanita. At nang pasukin ni Ammon ang lupain ng Ismael, ang mga Lamanita ay dinakip siya at iginapos siya, tulad ng kanilang nakaugalian na igapos ang lahat ng Nephita na nahuhulog sa kanilang mga kamay, at dinadala sila sa harapan ng hari; at sa gayon ipinauubaya sa kasiyahan ng hari na patayin sila, o panatilihin sila sa pagkabihag, o itapon sila sa bilangguan, o itaboy sila palabas ng kanyang lupain, alinsunod sa kanyang kagustuhan at kasiyahan. At sa gayon dinala si Ammon sa harapan ng hari na nasa lupain ng Ismael; at ang kanyang pangalan ay Lamoni; at siya ay isang inapo ni Ismael.

Alma 17:22–23

Tinanon ni Lamoni si Amon kung nagnanais siyang mamuhay kasama ang mga Lamanita; at sinabi ni Amon na nais niya.

At tinanong ng hari si Ammon kung nais niyang manirahan sa lupain sa mga Lamanita, o sa kanyang mga tao. At sinabi ni Ammon sa kanya:

Oo, nais kong manirahan sa mga taong ito ng ilang panahon;
oo, at marahil hanggang sa araw na ako ay mamatay.

Alma 17:24

Si Lamoni, na nalulugod kay Amon, ay pinalaya siya at ibinibigay ang kanyang anak na babae sa kanya.

At ito ay nangyari na, na si haring Lamoni ay labis na nasiyahan kay Ammon, at nag-utos na kalagan ang kanyang mga gapos; at kanyang ninais na pakasalan ni Ammon ang isa sa kanyang mga anak na babae upang maging asawa.

Alma 17:25

Tumanggi si Ammon, ngunit sa halip ay nag-alok na maging tagapag-lingkod ni Lamoni.

Subalit sinabi ni Ammon sa kanya:

Hindi, kundi magiging tagapagsilbi ninyo ako.

Anupa’t si Ammon ay naging tagapagsilbi ni haring Lamoni. At ito ay nangyari na, na siya ay isinama sa iba pang mga tagapagsilbi upang bantayan ang mga kawan ni Lamoni, alinsunod sa kinaugalian ng mga Lamanita.