At ito ay nangyari na, na si haring Lamoni ay nag-utos sa kanyang mga tagapagsilbi na tumindig at magpatotoo sa lahat ng bagay na kanilang nakita hinggil sa bagay na yaon. [i]2897[/i] At nang magpatotoo silang lahat sa mga bagay na nakita nila, at nalaman niya ang katapatan ni Ammon sa pangangalaga sa kanyang mga kawan, at gayon din ang tungkol sa kanyang kahanga-hangang lakas sa pakikipaglaban sa mga yaong naghangad na patayin siya, na labis siyang nanggilalas, [i]1173[/i] [i]1514[/i] at nagsabi:
Tunay, ito ay higit pa sa isang tao.
_masdan, hindi ba ito ang Dakilang Espiritu na siyang nagpapadala ng gayong mabibigat na kaparusahan sa mga taong ito, dahil sa kanilang mga pagpaslang?