Alma 19:33–34

At ito ay nangyari na, nang bumangon si Ammon siya rin ay nangaral sa kanila, at gayon din ang lahat ng tagapagsilbi ni Lamoni; [i]3157[/i] at ipinahayag nilang lahat sa mga tao ang gayon ding bagay—na ang kanilang mga puso ay nagbago; na wala na silang pagnanais pang gumawa ng masama. At masdan, marami ang nagpahayag sa mga tao na sila ay nakakita ng mga anghel at nakipag-usap sa kanila; at sa gayon nila ipinaalam sa kanila ang mga bagay ng Diyos, at ang kanyang kabutihan.

From section: Pinalawak na Pagbabalik-loob

From page: Ang Misyon ng Mga Anak ni Mosias sa Mga Lamanita

Commentary