At samantalang sila ay nasa gayong pagtatalu-talo, ang babaing tagapagsilbi na siyang nagtipun-tipon sa maraming tao ay dumating, [i]3156[/i] at nang kanyang makita ang pagtatalu-talo na nasa maraming tao siya ay labis na nalungkot, maging hanggang sa maluha. At ito ay nangyari na, na siya ay lumapit at hinawakan ang kamay ng reyna na baka sakaling kanyang maitayo siya mula sa lupa; [i]1174[/i] at nang hawakan niya ang kanyang kamay, siya ay bumangon at tumayo sa kanyang mga paa, at sumigaw sa isang malakas na tinig, sinasabing:
O mapagpalang Jesus,
_na nagligtas sa akin mula sa kakila-kilabot na impiyerno!
_O mapagpalang Diyos, kaawaan ang mga taong ito!