Ang Misyon ng Mga Anak ni Mosias sa Mga Lamanita

Pagtataguyod ng Simbahan sa Ishmael

Alma 21:18

Iniwan ni Amon at Lamoni si Aaron at kanyang mga kapatid, at bumalik sa Ismael.

At ito ay nangyari na, na sina Ammon at Lamoni ay nagbalik sa lupain ng Ismael mula sa lupain ng Midoni, na lupaing kanilang mana.

Alma 21:19–20

Si Amon ay itinaas mula sa pagiging tagapagsilbi at mga ang mga sinagoga at simbahan ay itinayo sa buong lupain ng Ismael.

At hindi pinahintulutan ni haring Lamoni na si Ammon ay maglingkod sa kanya; o maging kanyang tagapagsilbi. Kundi ipinag-utos niyang magtayo ng mga sinagoga sa lupain ng Ismael; at ipinag-utos niya na ang kanyang mga tao, o ang mga taong nasa ilalim ng kanyang panunungkulan, ay nararapat na sama-samang magtipon ng kanilang sarili.

Alma 21:21–22

Si Lamoni ay masayang naghayag na ang mga tao ay malayang makasasamba kailanman nila gustuhin.

At siya ay nagsaya hinggil sa kanila, at kanyang tinuruan sila ng maraming bagay. At ipinahayag din niya sa kanila na sila’y mga taong nasasakupan niya, at na sila’y mga taong malaya, na sila ay malaya mula sa mga pang-aapi ng hari, na kanyang ama; sapagkat ipinagkaloob ng kanyang ama sa kanya na siya ay makapamahala sa mga tao na nasa lupain ng Ismael, at sa lahat ng lupain sa palibot.

At ipinahayag din niya sa kanila na sila ay may kalayaan sa pagsamba sa Panginoon nilang Diyos alinsunod sa kanilang mga naisin, saan mang lugar sila naroroon, kung ito ay nasa lupain na nasa ilalim ng paghahari ni haring Lamoni.

Alma 21:23

Si Amon ang kanilang gurong pangrelihiyon, at naghihimok sa mga tao na ipamuhay ang ebanghelyo ng matapat.

At si Ammon ay nangaral sa mga tao ni haring Lamoni; at ito ay nangyari na, na itinuro niya sa kanila ang lahat ng bagay hinggil sa mga bagay na nauukol sa kabutihan. At kanyang araw-araw na pinapayuhan sila, nang buong sigasig; at kanilang pinakinggan ang kanyang salita, at sila ay naging masigasig sa pagsunod sa mga kautusan ng Diyos.