At ito ay nangyari na, na si Ammon, na puspos ng Espiritu ng Diyos, kaya nga nahiwatigan niya ang mga iniisip ng hari. At sinabi niya sa kanya: [i]2900[/i]
Dahil ba sa narinig ninyong ipinagtanggol ko ang inyong mga tagapagsilbi at ang inyong mga kawan, at pinatay ang pito sa kanilang mga kapatid sa pamamagitan ng tirador at ng espada, at pinutol ang mga bisig ng iba pa, upang maipagtanggol ang inyong mga kawan at inyong mga tagapagsilbi; masdan, ito ba ang sanhi ng inyong panggigilalas Sinasabi ko sa inyo, ano ba ito, na labis-labis ang inyong panggigilalas?
Masdan, ako ay isang tao, at inyong tagapagsilbi; [i]1516[/i] kaya nga, ano man ang inyong naising tama, yaon ay gagawin ko.