At nang makatagpo sila ni Ammon siya ay labis na nalungkot, [i]3163[/i] sapagkat masdan, sila ay mga nakahubad, at ang kanilang mga balat ay labis na nagasgas dahil sa pagkakagapos ng matitibay na lubid. At sila ay nagdanas din ng gutom, uhaw, at lahat ng uri ng paghihirap; gayon pa man, sila ay naging matiisin sa lahat ng kanilang mga pagdurusa. [i]1539[/i]
At, tulad ng nangyari, naging palad nilang mahulog sa mga kamay ng higit na matitigas at higit na matitigas ang leeg na mga tao; kung kaya’t sila ay tumangging makinig sa kanilang mga salita, at kanilang itinaboy silang palabas, at hinambalos sila, at itinaboy sila mula sa bahay-bahay, at mula sa isang lugar sa isa pang lugar, maging hanggang sa makarating sila sa lupain ng Midoni; at doon sila ay dinakip at itinapon sa bilangguan, at iginapos ng matitibay na lubid, at nanatili sa bilangguan sa loob ng maraming araw, at pinalaya nina Lamoni at Ammon.