At ito ay nangyari na, na si Jared at ang kanyang kapatid, at ang kanilang mga mag-anak, at ang mga kaibigan din ni Jared at ng kanyang kapatid at ang kanilang mga mag-anak, ay bumaba sa lambak na pahilaga, (at ang pangalan ng lambak ay Nimrod, na tinawag alinsunod sa mahusay na mangangaso) kasama ang kanilang mga kawan na kanilang tinipong magkakasama, lalaki’t babae, ng bawat uri. At sila ay naglatag din ng mga bitag at nanghuli ng mga ibon ng himpapawid; at sila ay naghanda rin ng lalagyan, kung saan nila dinala ang isda ng mga tubig. At sila ay nagdala rin ng deseret, na, kung isasalin, ay pukyutan; at sa gayon sila nakapagdala ng mga kuyog ng mga bubuyog, at lahat ng uri ng yaong nasa ibabaw ng lupain, mga binhi ng bawat uri. At sila ay naglatag din ng mga bitag at nanghuli ng mga ibon ng himpapawid; at sila ay naghanda rin ng lalagyan, kung saan nila dinala ang isda ng mga tubig.