At ito ay nangyari na, na si Jared at ang kanyang kapatid, at ang kanilang mga mag-anak, at ang mga kaibigan din ni Jared at ng kanyang kapatid at ang kanilang mga mag-anak, ay bumaba sa lambak na pahilaga, [i]1132[/i] (at ang pangalan ng lambak ay Nimrod, na tinawag alinsunod sa mahusay na mangangaso) kasama ang kanilang mga kawan na kanilang tinipong magkakasama, [i]3472[/i] lalaki’t babae, ng bawat uri. At sila ay naglatag din ng mga bitag at nanghuli ng mga ibon ng himpapawid; [i]3473[/i] at sila ay naghanda rin ng lalagyan, kung saan nila dinala ang isda ng mga tubig. [i]1998[/i] At sila ay nagdala rin ng deseret, na, kung isasalin, ay pukyutan; at sa gayon sila nakapagdala ng mga kuyog ng mga bubuyog, [i]1999[/i] at lahat ng uri ng yaong nasa ibabaw ng lupain, mga binhi ng bawat uri. At sila ay naglatag din ng mga bitag at nanghuli ng mga ibon ng himpapawid; at sila ay naghanda rin ng lalagyan, kung saan nila dinala ang isda ng mga tubig.