At ito ay nangyari na, nang sila ay makababa sa lambak ng Nimrod na ang Panginoon ay bumaba at nakipag-usap sa kapatid ni Jared; [i]3474[/i] at siya ay nasa ulap, at hindi siya nakita ng kapatid ni Jared. At ito ay nangyari na, na inutusan sila ng Panginoon na sila ay magtungo sa ilang, oo, patungo sa dakong yaon na hindi pa naparoroonan ng tao. At ito ay nangyari na, na ang Panginoon ay humayo sa unahan nila, at nakipag-usap sa kanila habang siya ay nakatayo sa ulap, at nagbigay ng mga tagubilin kung saan sila maglalakbay. [i]2000[/i]