Ang Panahon ng Mga Jaredita
- Eter 1:6
- Si Eter ay isang Jaredita na mananalaysay.
- Eter 1:7–32
- Si Ether ay isang malayo ngunit tunay na inapo ni Jared. Tatlumpung indibiduwal (kalakip) ang nakatala sa talaangkanan sa pagitan ni Jared at Ether.
- Eter 1:33
- Si Jared ay nagmula malapit sa "Malaking Tore," sa panahon na ang mga wika ng mga tao ay binago-bago.
- Eter 1:34
- Sinabi ni Jared sa kanyang kapatid na magsumamo sa Panginoon na huwag baguhin ang kanilang wika.
- Eter 1:35
- Pinagkaloob ng Diyos kay Jared at sa kapatid ni Jared ang kanilang kahilingan, at ang kanilang wika ay hindi nabago.
- Eter 1:36
- Sinabihan ni Jared ang kanyang kapatid na manalangin muli, at hilingin na ang wika ng kanilang mga kaibigan at pamilya ay hindi rin mabago.
- Eter 1:37
- Ang kapatid ni Jared ay nanalangin, at ang kanyang kahilingan ay muling ipinagkaloob ng Panginoon.
- Eter 1:38–39
- Sinabi muli ni Jared sa kanyang kapatid na manalangin pa muli, upang itanong sa Panginoon kung sila ba ay palilikasin sa lupain, at kung sila nga, saan sila nararapat pumunta.
- Eter 1:40–43
- Sumunod ang kapatid ni Jared, at sinabi ng Panginoon sa kapatid ni Jared na tipunin ang kanilang mga kaibigan, pamilya, at mga paghahayupan, at maglakbay sa isang lambak pahilaga—ang pangakong lupaing mana ay nakalaan para sa kanila.
- Eter 2:1–3
- Ang pamilya at mga kaibigan ni Jared, o mga Jaredita, ay naglakbay patungo sa hilagang lambak, na tinatawag na Nimrod, kasama ng kanilang mga paghahayupan, mga ibon, isda at mga bubuyog.
- Eter 2:4–5
- Ang Panginoon ay nagpakita sa (kapatid ni Jared) sa isang ulap, at nagtagubilin sa kanya ng higit pa patungo sa mga hindi pa nararating na mga lupain.
- Eter 2:6–8
- Sinunod ng mga Jaredita ang tagubilin ng Panginoon, naglakbay sa ilang, at gumawa ng mga gabara, bilang paghahanda para sa pagpunta sa lupang pangako.
- Eter 2:13
- Ang mga Jaredita ay nakarating sa dalampasigan, at nagtayo ng mga tolda roon, kung saan sila ay namalagi sa loob ng apat na taon.
- Eter 2:14–15
- Ang Panginoon ay muling dumating sa kapatid ni Jared sa isang usok, kinastigo siya sa hindi pananalangin sa loob ng nakalipas na apat na taon, at inutusan siyang bumuo ng mga gabara, katulad ng isa na kanyang binuo na.
- Eter 2:16, 3:1
- Ang mga Jaredita ay nagsipagpagal, at bumuo ng maliliit at magagaan na mga gabara.
- Eter 2:17
- Ang mga gabara ay binuo sa pamamaraang napakahigpit.
- Eter 2:18–19
- Nanalangin ang kapatid ni Jared, nag-ulat sa Panginoon na nabuo na niya ang mga gabara, subalit ipinahayag ang kanyang pag-aalala na walang liwanag o sariwang hangin sa loob ng mga gabara.
- Eter 2:20
- Nagtagubilin ang Panginoon sa kapatid ni Jared na gumawa ng dalawang butas sa bangka, isa sa itaas at isa sa ilalim, upang magkaroon ng sariwang hangin sa loob.
- Eter 2:21–22
- Kumilos ang kapatid ni Jared alinsunod sa ipinag-utos, subalit nagaalala parin sa kawalan ng liwanag.
- Eter 2:23–25
- Ang Panginoon ay nagtanong sa kapatid ni Jared kung ano sa tingin niya ang kinakailangang gawin tungkol sa suliranin sa ilaw—ang mga bintana ay hindi rin maaari.
- Eter 3:1–5
- Ang kapatid ni Jared ay nagtungo sa bundok na tinatawag na Shelem, at gumawa ng labing anim na malilinaw na bato mula sa tinunaw na bato; dinala niya ang mga ito sa bundok, nagsumamo ng may pagpapakumbaba, at humiling sa Panginoon na hipuin ang mga bato upang sila ay maglabas ng liwanag.
- Eter 3:6
- Inilabas ng Panginoon ang kanyang kamay mula sa tabing, at hinipo ang labing-anim na mga bato isa isa.
- Eter 3:6
- Ang kapatid ni Jared, na nabigla, ay nagpatirapa sa lupa.
- Eter 3:7
- Tinanong ng Panginoon ang kapatid ni Jared kung bakit siya nagpatirapa.
- Eter 3:8
- Sinabi ng kapatid ni Jared na hindi niya nalalaman na ang Panginoon ay may laman at dugo, at natatakot na siya ay mahampas.
- Eter 3:9
- Sinabi ng Panginoon sa kapatid ni Jared na ang kanyang pananampalataya ang naging dahilan upang kanyang makita na ang Panginoon nga ay magkakaroon ng laman at dugo, nagtanong siya kung nakakita pa siya ng higit pa sa kanyang mga daliri.
- Eter 3:10
- Sinabi ng kapatid ni Jared na hindi, subalit hiniling sa Panginoon na ipakita ang kanyang sarili.
- Eter 3:11
- Tinanong siya ng Panginoon kung maniniwala siya sa mga salita ng Panginoon.
- Eter 3:12
- Sinabi ng kapatid ni Jared na nalalaman niyang ang Diyos ay hindi nagsisinungaling at siya ay naniwala.
- Eter 3:13–16
- Ipinakita ng Panginoon ang kanyang kabuuan, inihayag na siya ay si Jesukristo, na ang pananampalataya sa kanya ang magdadala sa tao pabalik sa Ama, at na ang kanyang kasalukuyang katawan ay isa lamang katawang Espiritu.
- Eter 3:17–20
- Walang makapipigil sa kapatid ni Jared dahil sa malaking pananampalataya nito, anupa’t siya’y nakatanggap ng tiyak na kaalaman hinggil sa Diyos.
- Eter 3:21–24
- Tinagubilinan ng Panginoon ang kapatid ni Jared na manahimik hinggil sa kanyang paghahayag, subalit isulat ang mga ito—sa takdang panahon ang kanyang mga bato ay gagamitin upang dalhin ang mga salitang ito sa kaliwanagan.
- Eter 3:25–26
- Ipinakita ni Jesus sa kapatid ni Jared ang isang kagila-gilalas na pangitain ng lahat ng mga naninirahan sa mundo, at isang malawakang kasaysayan ng mundo at sangkatauhan.
- Eter 3:27–28
- Si Jesus muli ay nagutos sa kapatid ni Jared na isulat ang mga bagay na kanyang nakita.
- Eter 4:1
- Ang nilalaman ng pangitain ay ipinagkait sa mundo hanggang sa kamatayan at pagkabuhay na mag-uli ni Cristo.
- Eter 12:30
- Maaari sa mga panahong ito, ang kapatid ni Jared ay dumating sa isang bundok na tinatawag na "Zerin"; Sinabi niya rito, "Maalis!" at ito ay naalis.
- Eter 6:2–3
- Inilagay ng kapatid ni Jared ang kanyang mga nagniningning na mga bato sa bawat gabara; sila ay nagliliwanag ng mabuti.
- Eter 6:4
- Nagdala ang mga Jaredita ng kanilang mga panustos at paghahayupan sa mga gabara, at naglakbay patungo sa karagatan.
- Eter 6:5
- Pinapangyari ng Panginoon na magkaroon ng malalakas na hangin upang tangayin sila patungo sa lupang pangako.
- Eter 6:6
- Ang mga gabara ay madalas na lumulubog sa kailaliman ng tubig habang ang mga malalaking alon ay humahampas sa ibabaw nila.
- Ether 6:7
- Ang mga gabara ay hindi napapasukan ng tubig, ang mga pagsusumamo ng mga Jaredita sa Panginoon ay nasagot, at ang mga gabara ay hindi lumubog.
- Eter 6:8
- Ang hangin ay patuloy na umiihip, at ang mga Jaredita ay patuloy na umuusad pasulong.
- Eter 6:9
- Ang mga Jaredita ay patuloy na umaawit at nagpapapuri sa Panginoon.
- Eter 6:10
- Ang gabara ng mga Jaredita ay naligtas mula sa mga pagsalakay ng mga mababagsik na mga hayup sa dagat, at ang loob ng mga gabara ay nananatiling naiilawan.
- Eter 6:11–12
- Ang kanilang bangka ay naglakbay sa loob ng 344 na mga araw, at sila sa wakas ay nakarating sa lupang pangako, kung saan sila ay tumangis sa kaligayahan at pinapurihan ang Panginoon.
- Eter 6:13–18
- Ang mga Jaredita ay nagsimulang magbungkal ng lupa, dumami, at magtaguyod ng kanilang mga sarili—si Jared ay nagkaroon ng mga anak na lalaki, kung saan ang isa ay si Orihas.
- Eter 6:19
- Paglipas ng panahon, ang kapatid ni Jared ay tumanda, at iminungkahi kay Jared na ang mga tao ay magtipon-tipung magkakasama upang mapakinggan niya ang kanilang mga kahilingan.
- Eter 6:20–22
- Ang bilang ng mga tao ay kinuha, at ipinahayag ng mga tao ang kanilang pagnanais na magkaroon ng hari na maitatalaga.
- Eter 6:23
- Ang kapatid ni Jared ay nagalala, at kanyang inisip na magdadala ito sa mga tao tungo sa pagkabihag.
- Eter 6:24
- Sinabi ni Jared sa mga tao na magpatuloy, at sinabi sa kanila na pumili ng isang hari.
- Eter 6:25–27
- Pinili ng mga tao ang anak ng kapatid ni Jared, na si Pagag, subalit si Pagag ay tumanggi; ang mga kapatid ni Pagag at mga pinsan ay tumanggi rin, maliban sa anak ni Jared na si Orihas, na sumang-ayon, at naging hari.
- Eter 6:28
- Si Orihas ay nagsimulang maghari, at ang mga Jaredita ay umunlad.
- Eter 6:29
- Si Jared at ang kanyang kapatid ay namatay.
- Eter 6:30
- Si Orihas ay naghari ng may pagpapakumbaba, nalalaman ang mga mabubuting biyaya ng Diyos sa kanyang mga tao.
- Eter 7:1
- Naghari si Orihas ng mahabang panahon sa katuwiran.
- Eter 7:2
- May 31 na mga anak si Orihas, 23 roon ay mga anak na lalaki.
- Eter 7:3
- Si Orihas ay nagkaroon pa ng isang anak na lalaki, na si Kib.
- Eter 7:3
- Si Kib ang humaliling hari kay Orihas.
- Ether 7:3–4
- Ang anak na lalaki ni Kib, si Korihor, na naghimagsik laban kay Kib, ay lumisan sa kapisanan ng mga Jaredita, at itinaguyod ang kanyang sarili at ang kanyang mga tagasunod sa lupaing tinatawag na Nehor.
- Eter 7:5–6
- Si Korihor ay nagtipon ng isang hukbo sa Nehor, at sinalakay ang kaharian ni Kib, na nasa isang lugar na tinatawag na Moron; si Kib ay nagapi.
- Eter 7:7
- Si Kib ay nabuhay sa pagkabihag sa ilalim ng pamumuno ng kanyang anak na si Korihor; habang nasa pagkabihag, siya ay nagkaroon ng isang anak na lalaki na nagngangalang Shul.
- Eter 7:8–9
- Si Shul ay galit sa kanyang kapatid na si Korihor; gumawa siya ng mga espada sa isang burol na tinatawag na Ephraim, tinipon ang kanyang mga tagataguyod, at matagumpay na nakipaglaban kay Korihor sa Nehor, at naibalik ang kaharian kay Kib.
- Eter 7:10–11
- Ipinagkaloob ni Kib ang kaharian sa kanyang anak, na si Shul, na naghari sa katuwiran.
- Eter 7:12–14
- Si Shul ay nagkaroon ng maraming mga anak, si Korihor ay nagsisi, at nagkaroon din ng maraming anak, ang isa ay pinangalanang Noa.
- Eter 7:15–16
- Si Noa ay naghimagsik laban sa kanyang ama na si Korihor at tiyuhing si Shul, tinipon ang maraming tao kasama ang kanyang kapatid na si Kohor, at nasakop ang unang pinagdaungan ng mga Jaredita.
- Eter 7:17
- Muling sumalakay si Noa sa kanyang tiyuhin na si Shul, dinala siya papuntang Moron, at hinatulan siya ng kamatayan.
- Eter 7:18
- Gayunpaman, di kalaunan bago ang kanyang pagbitay, ang mga anak ni Shule ay nakatakas, pinatay si Noe, at pinalaya si Shule.
- Ether 7:19
- Kinuha ng anak ni Noa, na pinangalanan ding Kohor, ang kaharian ni Noa, subalit hindi ipinagpatuloy ang pagkubkob laban kay Shul.
- Eter 7:20–21
- Ang dalawang kaharian ng mga Jaredita nina Shul at Kohor ay humayo upang maglaban—ang kaharian ni Shul ang nagwagi, at napatay si Kohor.
- Eter 7:22
- Isinuko ng anak ni Kohor, na si Nimrod ang kaharian kay Shul, at ang bansa ay napag-isa.
- Eter 7:23
- Sa mga araw ni Shul, maraming mga propeta ang dumating at nangaral sa mga tao, pinapayuhan silang magsisi o sila ay mawawasak.
- Eter 7:24–26
- Maraming mga tao ang tumanggi sa mga propeta, subalit si Shul ay nagpatupad ng isang batas upang mapigilan ang pang-uusig; nagsisi ang mga tao at nagsimulang umunlad.
- Eter 7:27
- Ang paghahari ni Shule ay nagpatuloy sa kapayapaan at katuwiran.
- Eter 8:1–3
- Ang anak ni Shul na si Omer ay naging hari, at nagkaroon ng anak na lalaki, na si Jared, na naghimagsik at lumisan para sa lupain ng Het, kung saan siya ay nagtaguyod ng isang kaharian, at pinabagsak ang kanyang ama.
- Eter 8:4–6
- Habang nasa pagkabihag ng kanyang anak na si Jared, si Omer ay nagkaroon ng marami pang anak, dalawa sa mga yaon ay pinangalanang Esrom at Coriantumer, na kinasuklaman ang mga gawain ng kanilang kapatid na si Jared; sila ay nagtipon ng puwersa, pinabagsak ang kaharian ni Jared, hindi pinatay si Jared, at ibinalik ang kaharian sa kanilang ama na si Omer.
- Eter 8:7–8
- Lubhang nalungkot si Jared sa pagkawala ng kanyang kaharian at kapangyarihan, subalit ang kanyang anak na babae ay gumawa ng isang plano upang mabawing muli ang kaharian ni Jared.
- Eter 8:9–10
- Iminungkahi niya na magsabwatan sila upang patayin si Omer sa pamamagitan ng pangaakit sa isang lalaking nangngangalang Akis upang pugutan si Omer kapalit ng kanyang kamay sa pag-aasawa.
- Eter 8:11
- Ipinatawag ni Jared si Akis, at ang anak na babae ni Jared para sa kanya—kaagad niyang hiniling na siya ay kanyang maging asawa.
- Eter 8:12
- Sinabi ni Jared kay Akis na mapapasakanya ang kanyang anak na babae kapalit ng ulo ni Omer.
- Eter 8:13
- Tinipon ni Akis ang kanyang pamilya, at nagtanong kung sila ay magiging matapat sa kanya.
- Eter 8:14–15
- Silang lahat ay nangako sa isang lihim na kasunduan na magiging matapat kay Akis.
- Eter 8:16–17
- Sa gayon, ang mga lihim na sumpaan ng diyablo ay dumating sa mga tao.
- Eter 8:18–19
- Ito ay taliwas sa kagustuhan ng Panginoon, na hindi kumikilos sa lihim na pagsasabuwatan.
- Eter 9:1–2
- Ang organisadong buklod ng mga kriminal ni Akis at ng kanyang mga tagasunod ang nagbigay ng kalamangan sa kanya laban kay Omer.
- Eter 9:3
- Si Omer ay binalaan sa isang panaginip na lumisan, at dalhin ang kanyang mag-anak at sila na mga matapat sa kanya sa isang lugar na tinatawag na Ablom, sa isang baybayin.
- Eter 9:4
- Sa kawalan ni Omer, si Jared ay naging hari, at pinakasalan ni Akis ang anak na babae ni Jared.
- Eter 9:5–6
- Si Akis ay nakipagsabwatan laban sa haring si Jared, pinatay siya; at si Akis ay naging hari bilang kahalili ni Jared.
- Eter 9:7
- Si Akis ay nagsimulang manibugho sa kanyang anak na lalaki, kaya’t siya’y kanyang ikinulong sa bilangguan, kung saan siya ay namatay sa pagkagutom.
- Eter 9:8–9
- Si Nimras, isa pang anak ni Akis, ay nagalit sa kanyang ama, kaya siya ay nagtipon ng pangkat ng mga tao na nilisan ang kaharian, at umanib kay Omer sa silangang baybayin.
- Eter 9:10–11
- Si Akis ay nagkaroon ng marami pang mga anak na lalaki na namuhay at namuno sa kasamaan; isang agawan sa kapangyarihan ang namayani sa pagitan ni Akis at ng kanyang mga anak na lalaki.
- Eter 9:12–13
- Isang kakila-kilabot na digmaang sibil ang sumunod, at ang malaking bahagi ng kaharian ni Akis ay nalipol; ang kakaunti sa mga nakaligtas ay umanib sa kaharian ni Omer, na ngayo’y lumalawak pabalik sa mga dating pagmamay-ari ni Akis.
- Eter 9:14–15
- Si Emer na anak ni Omer ay itinalaga upang humalili kay Omer, at matapos ng kamatayan ni Omer, si Emer ay tunay na naging hari.
- Eter 9:16–19
- Ang mga Jaredita ay umunlad sa ilalim ng paghahari ni Emer, at nagkaroon ng kasaganahan sa lakas, pagkain, lino, mina, at mga paghahayupan.
- Ether 9:20
- Pinagpala ng Panginoon ang mga tao, subalit ang mga naninirahan sa lupain ay nararapat na mamuhay sa Panginoon, o harapin ang kanyang poot.
- Eter 9:21–22
- Si Emer ay namuhay sa katuwiran, nakita niya si Jesus, at nagkaroon ng maraming anak na lalaki, ang isa ay si Coriantum, na humalili kay Emer bilang hari.
- Eter 9:23
- Si Coriantum din ay naghari sa kabutihan, subalit tumanda na walang mga anak.
- Eter 9:24
- Ang asawa ni Coriantum ay namatay, muling nagpakasal si Coriantum, nagkaroon ng maraming anak, at nabuhay hanggang 142 na taong gulang.
- Eter 9:25
- Isa sa mga anak ni Coriantum, si Com, ay naging hari; si Com ay nagkaroon ng isang anak na lalaki na nagngangalang Het kasama ng iba pang mga anak.
- Eter 9:26–27
- Nagsimulang muli si Het na yakapin ang mga masasamang lihim na kasunduan ng nakalipas, gutom sa kapangyarihan, at pinatay ang kanyang ama na si Com, at kinuha ang kanyang lugar bilang hari.
- Eter 9:28–29
- Ang mga propeta ay dumating sa mga tao at binalaan sila na magsisi, binabalaan sila ng taggutom, subalit karamihan sa mga tao ay tumanggi at kinutya ang mga propeta.
- Eter 9:30–32
- Ang lupain ay nagdanas ng tagtuyot, ang populasyon ay mabilis na nangunti, at may mga makamandag na mga ahas ang sumalakay sa mga tao at ikinalat ang mga paghahayupan.
- Eter 9:33
- Pinapangyari ng Panginoon na ang mga ahas ay bumuo ng barikada upang harangan ang mga tao mula sa katimurang lupain.
- Eter 9:34
- Sinubukan ng mga tao na sundan ang mga dinaraanan ng mga lumilisan na mga paghahayupan, at kunin ang mga bangkay nito sa daanan.
- Eter 9:34–35
- Nakikitang ang kanilang mga kasalanan ang nagdala nito sa kanila ang mga tao ay nagsimulang magsisi; biglang pagkatapos, ang ulan ay nagsimulang bumuhos, at ang mga bungang-kahoy ay lumagong muli sa hilagang rehiyon.
- Eter 10:1
- Si Het ay namatay sa taggutom, at ang kanyang inapo, na si Shez, ay nagdala sa kanyang sarili ng isang gawain upang muling ayusin ang nasirang bansa.
- Eter 10:2
- Naalala ni Shez ang sinapit ng kanyang ama, kaya siya ay nagtaguyod ng isang kaharian sa katuwiran, inaalala ang mabubuting biyaya ng Diyos.
- Eter 10:3
- Si Shez ay may isang anak na lalaki (nagngangalan ding Shez) na nagsimulang maghimagsik laban sa kanyang ama, subalit agarang sinalakay ng isang tulisan; ang kanyang ama ay muling napanatag.
- Eter 10:4
- Si Shez ay nagpatuloy na maghari sa kabutihan hanggang sa kanyang kamatayan; ang isa pa niyang mga anak na lalaki na nagngangalang Riplakis ang humalili sa kanya bilang hari.
- Eter 10:5
- Inabuso ni Riplakis ang kanyang kapangyarihan bilang hari, nagpataw ng mga mabibigat na buwis, namuhay sa kayamanan, at nagkaroon ng maraming mga asawa at kalaguyo.
- Eter 10:6
- Nagtayo si Riplakis ng isang napakagandang trono; pinilit niya ang kanyang mga nasasakupan na magtrabaho, at magbayad ng mga buwis, at sila na hindi kayang magbayad ay ipinatapon sa bilangguan, kung saan sila ay naging mga alipin.
- Eter 10:7
- Pinagsamantalahan ni Riplakis ang mga bilanggong alipin at pinapangyari na sila ay gumawa ng lahat ng uri ng mga ginto at mga ornamento.
- Eter 10:8
- Ang mga tao sa wakas ay naghimagsik, pinatay si Riplakis, at itinaboy ang kanyang mga inapo.
- Eter 10:9
- Si Morianton ay inapo ni Riplakis na nagtipon ng ilang puwersa at nasakop ang ilang mga lunsod muli mula sa pangunahing bahagi ng mga Jaredita; matapos ng ilang labanan, siya ay naging matagumpay na mabawi ang kabuuan ng kaharian.
- Eter 10:10–11
- Si Morianton ay mabuti sa kanyang mga tao, at pinagaan ang kanilang mga pasanin, subalit, siya ay hindi moral o mabuting tao.
- Eter 10:12
- Ang mga patakarang pampubliko ni Morianton ay nagdala sa kaunlaran sa ekonomiya.
- Eter 10:13–14
- Ang anak ni Morianton na si Kim ay humalili kay Morianton bilang hari sa bandang huli, naghari sa kasamaan, at pinabagsak ng kanyang kapatid; habang nasa pagkabihag, si Kim ay nagkaroon ng anak na nagngangalang Levi.
- Eter 10:15
- Si Kim ay namatay; si Levi ay naghimagsik laban sa kanyang tiyuhin, at naging matagumpay na mabawi ang kaharian.
- Eter 10:16
- Si Levi ay naghari sa katuwiran at kaunlaran, at ang kanyang anak si Corom ang humalili sa kanya bilang hari.
- Ether 10:17
- Si Corom ay naghari rin sa katuwiran, at itinalaga ang kanyang anak na si Kis upang maging susunod na hari.
- Eter 10:18
- Ang anak ni Kis na si Lib ay naging hari.
- Eter 10:19
- Si Lib ay isang mabuting hari; sa kanyang paghahari ang mga barikada ng mga ahas ay nawasak, at ang mga Jaredita ay nagawang makapaglakbay patimog upang maging mga mangangaso.
- Eter 10:20–23
- Ang mga Jaredita ay nagtayo ng malaking lunsod malapit sa makitid na daanan ng lupain; sila’y naging lubhang maunlad at nagsulong ng kalakalan, paggawa ng bakal, at industriya.
- Eter 10:24–27
- Ang mga Jaredita ay naging napakahuhusay, at umunlad sa larangan ng paghahabi, agrikultura at teknolohiya.
- Eter 10:28–29
- Ang mga Jaredita ay nagpatuloy sa pag-unlad at pinagpala ng Panginoon; si Lib ay nagkaroon ng isang anak na lalaki na nagngangalang Hartom.
- Eter 10:30
- Humalili si Hartom sa kanyang ama bilang hari, subalit siya ay napabagsak at dinalang bihag.
- Eter 10:31
- Ang anak ni Hartom na si Het, at ang anak ni Het na si Aaron, at ang anak ni Aaron na si Amnigadas, at ang anak ni Amnigadas na si Coriantum ay namuhay lahat bilang mga bihag; si Coriantum ay may isang anak na lalaki na nagngangalang Com.
- Eter 10:32
- Nagawa ni Com na mabawi ang kalahati sa kaharian; pagkatapos ay nakidigma siya sa karibal na hari, na si Amgid, at naging matagumpay sa pagsakop sa buong kaharian.
- Eter 10:33–34
- Ang mga lihim na organisasyon ng nakalipas ay muling lumitaw, sa kabila ng mga gawaing pagsalungat ni Com.
- Eter 11:1–4
- Maraming mga propeta ang lumitaw at nagbabala laban sa mga lihim na lipunan ng kasamaan; ang mga propeta ay may direktang kaugnayan kay Com, na siyang pinagpala, at nagkaroon ng anak na nagngangalang Siblom.
- Eter 11:4
- Ang kapatid ni Siblom ay naghimagsik, at isang digmaan ang sumiklab.
- Eter 11:6
- Ang mga propeta ay dumating at binalaan ang mga tao na magsisi o isang kakila-kilabot na pagkawasak ang sasapit sa mga Jaredita.
- Eter 11:5
- Ipinapatay ng kapatid ni Siblom ang lahat ng propeta na nagbabala hinggil sa kanilang pagkawasak.
- Eter 11:7
- Isang malagim na pagkawasak ang tunay na sumunod, at maraming mga tao ang namatay sa digmaan, labanan, taggutom, at mga salot.
- Eter 11:8
- Ang mga tao ay nagsimulang magsisi, at ang Panginoon ay maawain.
- Eter 11:9
- Si Siblom ay napatay, at ang kanyang anak na si Set ay nabihag.
- Eter 11:10
- Ang anak ni Set na si Ahas ay naging hari sa pagkabihag, at naghari sa karahasan at kasamaan, subalit sa maikling panahon lang.
- Eter 11:11
- Isang inapo ni Ahas na si Etem, ang nagmana sa kaharian, at namuno rin sa kasamaan.
- Eter 11:12
- Muli, ang mga propeta ay dumating upang balaan ang mga tao ng higit pang pagkawasak maliban kung sila ay magsisisi.
- Eter 11:13
- Tinanggihan ng mga tao ang mga propeta, na nagdalamhati dahil sa kasamaan ng mga tao.
- Eter 11:14
- Si Etem ay masama sa buong buhay niya; ang kanyang anak na si Moron ay masama rin.
- Eter 11:15
- Isang lihim na organisasyon ang muling nagpasimula ng isang rebelyon sa mga tao. Si Moron, na nawalan ng kalahati sa kanyang kaharian sa mga naghimagsik, na pinamumunuan ng isang malaking lalaki.
- Eter 11:16
- Si Moron ay sumalakay, at nabawi ang kanyang mga pagmamay-ari.
- Eter 11:17–18
- Pinabagsak ng inapo ng kapatid ni Jared si Moron, na siyang dinalang bihag; Si Moron ay may anak na nagngangalang Coriantor.
- Eter 11:19
- Si Coriantor ay nabuhay sa pagkabihag sa buong buhay niya.
- Eter 11:20
- Ang mga propeta ay muling dumating sa mga tao, at nagpropesiya sa lubusang pagkawasak maliban kung ang mga tao ay magsisisi.
- Eter 11:21
- Iprinopesiya rin ng mga propeta na may iba pa na magmamana ng lupain kapalit ng mga Jaredita.
- Eter 11:22
- Ang mga propeta muli ay tinanggihan.
- Eter 11:23
- Si Corianton ay nagkaroon ng anak na lalaki na nagngangalang Eter, pagkatapos ay namatay.
- Eter 12:1
- Ang lalaking nagngangalang Coriantumer ang hari sa panahon ni Eter.
- Eter 12:2–3
- Si Eter ay isang propeta, at humayo upang mangaral ng pananampalataya at pagsisisi sa mga tao.
- Eter 12:4–5
- Tinuruan ni Eter ang mga tao na ang paniniwala sa Diyos ay magdadala sa pag-asa sa mas mabuting mundo.
- Eter 13:13–14
- Sa kabila ng kadakilaan ng mga katuruan ni Eter, siya ay tinanggihan at itinaboy, at ginugol ang kanyang panahon sa pamumuhay sa isang yungib, tinitipon ang mga talaan ng kanyang mga tao sa araw, at sumasaksi sa pagbagsak ng kabihasnan ng mga Jaredita sa gabi.
- Eter 13:15
- Lumaganap ang digmaan at pagtatalo-talo sa mga tao, at maraming mga mandirigma ang sumubok na pabagsakin si Coriantumer.
- Eter 13:16–17
- Si Coriantumer, na dalubhasa sa larangan ng digmaan, ay napaglabanan ang mga pagsalakay laban sa kanya, napanatili ang kanyang kapangyarihan, at hindi rin nagsisi.
- Eter 13:18–19
- Ang mga lihim na organisasyon ay lumitaw muli at sinubukang kunin ang kaharian mula kay Coriantumer.
- Eter 13:20–21
- Sa mga sumunod na taon si Eter ay nagpropesiya kay Coriantumer na kung hindi siya magsisisi, ang kabihasnan ay mawawasak, at magkakaroon ng mga bago na papalit dito.
- Eter 13:22
- Ipinasawalang bahala ni Coriantumer ang mga propesiya ni Eter, at nagpatuloy na makidigma sa kanyang mga kaaway; mga pagtatangka sa buhay ni Eter ay isinagawa, at siya ay bumalik sa kanyang yungib upang magtago.
- Eter 13:23–24
- Isang magdirigmang nagngangalang Sared ay dumating laban kay Coriantumer, at nagapi siya, subalit ang mga anak na lalaki ni Coriantumer ay gumanti, at nabawi ang kaharian.
- Eter 13:25–26
- Ang digmaan at kasamaan ay lumaganap sa lupain.
- Eter 13:27–28
- Si Coriantumer ay nagtipon ng kanyang lakas at sumalakay kay Sared sa lambak ng Gilgal; tinugis niya si Sared sa kapatagan ng Heslon, at nagapi siya matapos ng tatlong araw na labanan.
- Eter 13:29–31
- Si Sared ay lumabang pabalik, at naitaboy si Coriantumer pabalik sa lambak ng Gilgal; nasugatan sa hita si Coriantumer, subalit nagawa niyang maipagtanggol ang sarili at napatay si Sared.
- Eter 14:1–2
- Ang lupain at ang mga tao ay isinumpa, at madali nilang naiwawala ang kanilang mga kasangkapan at mga sandata.
- Eter 14:3,8
- Ang kapatid ni Sared na si Gilead ay sumugod kay Coriantumer upang ipaghiganti si Sared—naglaban sila, at naitaboy ni Coriantumer ang kapatid ni Sared sa ilang ng Akis.
- Eter 14:4
- Ang dalawang puwersa ay naglaban sa ilang ng Akis, na libo-libo ang namatay.
- Eter 14:5
- Ang ilan sa mga tauhan ni Coriantumer ay nalango at napatay ng mga tauhan ng kapatid ni Gilead, na nagmartsa sa ilang.
- Eter 14:6
- Si Gilead ay nagmartsa sa lupain ng Moron, at kinuha ang trono ni Coriantumer.
- Eter 14:7
- Si Coriantumer ay nanatili sa ilang sa loob ng dalawang taon, kung saan pinalakas niya ang kanyang hukbo.
- Eter 14:8–9
- Si Giliad rin ay nakakuha ng higit na kapangyarihan, subalit ang mga lihim na samahan ay nagsasabwatan laban sa kanya, at siya ay pinatay sa kanyang trono.
- Eter 14:10
- Ang nagpakana ng pagpatay ay ang tagapagmana ni Gilead na si Lib, na isang napakalaking tao.
- Eter 14:11
- Si Coriantumer ay bumalik muli mula sa ilang, at sumalakay kay Lib.
- Eter 14:12
- Nasugatan ni Lib si Coriantumer, subalit nagawa ni Coriantumer na maitaboy si Lib palabas ng kaharian at tinugis siya hanggang sa baybayin.
- Eter 14:13
- Ang dalawang hukbo ay naglaban sa dalampasigan.
- Eter 14:14
- Si Lib ay nakakuha ng kalamangan laban kay Coriantumer, na siyang tumakas papunta sa ilang ng Akis.
- Eter 14:15
- Nagpatuloy sa pagtugis si Lib, at naitaboy si Coriantumer sa ilang ng Agos.
- Eter 14:16–17
- Naglaban si Coriantumer at Lib sa kapatagan ng Agos—si Lib ay napatay, si Coriantumer ay umurong, at ang kapatid ni Lib na si Shiz ang humalili sa kanya.
- Eter 14:17
- Si Shiz ay nagpasimula ng isang kampanya na may kabagsikan laban sa kaharian ni Coriantumer.
- Eter 14:18
- Ang mga tao ay naging mas matatakutin kay Shiz.
- Eter 14:19
- Ang mga tao ay nagtipon-tipon ng lahat ng kanilang mga tao upang bumuo ng mga hukbo.
- Eter 14:20
- Ang ibang mga tao ay sumapi sa hukbo ni Shiz, ang iba naman ay kay Coriantumer.
- Eter 14:21
- Ang kakila-kilabot na pagkawasak ay nagiwan ng mga patay na katawan na nakakalat sa lupain.
- Eter 14:22
- Ang mabilis na pagusad ng digmaan ay nagiiwan sa mga tao na mawalan ng panahon na mailibing ang kanilang mga patay.
- Eter 14:23
- Ang mga nakatambak na patay na mga katawan ay lumilikha ng hindi kaaya-ayang amoy.
- Eter 14:24
- Buo ang loob ni Shiz na ipaghiganti ang kanyang kapatid na si Lib, nagpapatuloy siya sa pagtugis kay Coriantumer.
- Eter 14:24–25
- Inihayag ng Panginoon kay Ether na makaliligtas si Coriantumer mula sa digmaan.
- Eter 14:26
- Itinaboy ni Shiz si Coriantumer papunta sa baybayin, kung saan sila ay naglaban sa loob ng tatlong araw.
- Eter 14:27
- Ang mga hukbo ni Shiz ay nagapi, at sila ay umatras sa lupain ng Corihor, kung saan kanilang napatay ang lahat na hindi aanib sa kanila.
- Eter 14:28
- Itinaguyod ni Shiz ang kanyang puwersa sa lambak ng Corihor, si Coriantumer ay nasa lambak ng Shur; pinatunog ni Coriantumer ang isang pakakak, na naghahamon kay Shiz na makipaglaban.
- Eter 14:29
- Tatlong magkakahiwalay na labanan ang sumunod, na kung saan ang puwersa ni Shiz ay malubhang napahina.
- Eter 14:30
- Personal na sinalakay ni Shiz si Coriantumer, at nakapagdala ng maraming malalalim na sugat; si Coriantumer ay hinimatay, at dinala na tila patay.
- Eter 14:31
- Nakikita ang napakalaking bilang ng mga nawalan ng buhay, inutusan ni Shiz ang hukbo na umatras.
- Eter 15:1–3
- Si Coriantumer na gumagaling mula sa kanyang mga sugat ay nakaalala sa mga propesiya ni Eter; nakikita ang milyong mga tao na patay sa panig niya, siya ay nagsimulang magsisi.
- Eter 15:4–5
- Sumulat si Coriantumer kay Shiz ng isang liham hinihiling na siya ay sumuko upang matigil ang pagkawala ng marami pang buhay—tumugon si Shiz at nagsabi na kung si Coriantumer ay ibibigay ang kanyang buhay kay Shiz, hindi papatayin ni Shiz ang mga tao.
- Eter 15:6–7
- Nakikita ang tugon na ito, si Coriantumer ay nagalit, at nagsimulang maghanda upang sumalakay kay Shiz.
- Eter 15:8–9
- Dinala ni Coriantumer at Shiz ang kanilang mga hukbo malapit sa mga tubig ng Ripliancum, at nakipaglaban sa isa’t isa—si Coriantumer ay muling sugatan, at nawalan ng malay dahil sa kawalan ng dugo.
- Eter 15:10–11
- Gayunpaman, ang hukbo ni Coriantumer ay nagawang maitaboy ang puwersa ni Shiz patimog, sa isang lugar na tinatawag na Ogat; ang hukbo ni Coriantumer ay nagtayo ng kuta malapit sa burol na tinatawag na Ramas.
- Eter 15:12–14
- Sa loob ng apat na taon ang mga Jaredita ay nagtipon-tipong magkakasama, at umanib sa panig ni Coriantumer o sa panig ni Shiz; samantalang, si Eter ay nakatingin mula sa malayo.
- Eter 15:15
- Ang dalawang naglalakihang mga hukbo ay nagmartsa patungo sa isa't isa, nagsimulang makipaglaban, at sila ay naglaban buong araw.
- Eter 15:16
- Sa gabi, ang mga mandirigma ay bumalik sa kanilang mga kuta at naririnig ang mga hinagpis ng kanilang mga tao na ipinagluluksa ang kanilang mga patay.
- Eter 15:17
- Ang sumusunod na araw ay nagsisimula ng gayun din, na may paglalabanan sa umaga at pagluluksa sa gabi.
- Eter 15:18–19
- Sinubukang makiusap ni Coriantumer kay Shiz, subalit ito ay walang kabuluhan sapagkat si Satanas ay may malakas na kapangyarihan sa mga tao.
- Eter 15:20–21
- Naglaban muli ang mga tao ng buong araw, at natutulog katabi ng kanilang mga espada sa gabi.
- Eter 15:22–23
- Matapos ng ilang mga araw ng malulupit at nagpapatuloy na mga labanan, tanging 52 na mga tauhan ni Coriantumer ang nananatiling buhay, at tanging 69 na mga tauhan ni Shiz.
- Eter 15:24–25
- Pagkatapos ng labanan sa mga sumusunod na mga araw, si Coriantumer ay may mga 27 na nakaligtas, at si Shiz ay may 32.
- Eter 15:26
- Ang mga sundalo ay kumain at natulog, at naghanda para sa kanilang kamatayan sa susunod na araw.
- Eter 15:27
- Matapos ang tatlong oras na labanan, sila ay nanlupaypay dahil sa kawalan ng dugo.
- Eter 15:28
- Bumangon ang mga tauhan ni Coriantumer at nagsimulang lumisan, subalit ang mga tauhan ni Shiz ay bumangon rin at sumumpang kanilang papatayin sila.
- Eter 15:29
- Naabutan ng mga tauhan ni Shiz ang kay Coriantumer, at sila ay naglaban, subalit silang lahat ay agarang nanlupaypay muli, maliban kay Coriantumer.
- Eter 15:30
- Si Coriantumer, na nakasandal sa kanyang espada, ay sumugod kay Shiz, at tinagpas ang kanyang ulo.
- Eter 15:31
- Ang napugutang si Shiz ay lubhang nangisay, naghihingalo, at namatay.
- Eter 15:32
- Ang pagod na si Coriantumer, ay bumagsak.
- Eter 15:33
- Sinabi ng Panginoon kay Eter na humayo; nakita ni Eter na lahat ng propesiya tungkol sa mga Jaredita ay nagkatotoo.
- Eter 15:33
- Tinapos ni Eter na isulat ang talaan ng kanyang mga nalipol na mga tao at itinago ito.
- Eter 15:34
- Ang huling mga naitalang salita ni Eter ay naghahayag ng kanyang pagnanais na maligtas sa kaharian ng Diyos, anuman ang maging sanhi ng kanyang kamatayan.
- Omni 21
- Minsan matapos ng labanan, si Coriantumer ay nagpagala-gala, at napadpad sa mga Mulekita, o "ang mga tao ng Zarahemla" na nakarating mula sa Jerusalem. Namalagi siya ng ilang panahon kasama nila, at pagkatapos ay lumisan, at hindi na muling narinig pa.
- Mosiah 21:26–27
- Ilang mga siglo ang lumipas, ang mga pangkat ng mga tagahanap ay ipinadala ni Limhi upang hanapin ang Zarahemla, subalit sa halip ay nakarating sila sa mga guho ng kabihasnang Jaredita, kung saan natagpuan nila ang mga talaan na isinulat ni Eter. Kinuha nila ang talaan pabalik kasama nila, at sa bandang huli ay isinalin ni haring Mosias.
- Eter 1:1
- Ang mga talaan sa bandang huli ay nakarating kay Moroni, na muli ay isinalin ito at nagdagdag ng kanyang pagbubuod sa mga talaan ng kanyang ama.