At alinsunod dito ang mga tao ay sama-samang tinipon. Ngayon, ang bilang ng mga anak na lalaki’t babae ng kapatid ni Jared ay dalawampu at dalawang katao; at ang bilang ng mga anak na lalaki’t babae ni Jared ay labindalawa, siya na may apat na anak na lalaki. At ito ay nangyari na, na binilang nila ang kanilang mga tao; at matapos nilang bilangin sila, itinanong nila sa kanila ang mga bagay na nais nila na kanilang gawin bago sila bumaba sa kanilang mga libingan. At ito ay nangyari na, na hiniling ng mga tao sa kanila na sila ay maghirang ng isa sa mga anak nilang lalaki na maging hari nila.