Ang Panahon ng Mga Jaredita

Ang Kolonisasyon ng Lupaing Pangako

Eter 6:13–18

Ang mga Jaredita ay nagsimulang magbungkal ng lupa, dumami, at magtaguyod ng kanilang mga sarili—si Jared ay nagkaroon ng mga anak na lalaki, kung saan ang isa ay si Orihas.

At ito ay nangyari na, na sila ay humayo sa ibabaw ng lupain, at nagsimulang bungkalin ang lupain. At si Jared ay may apat na anak na lalaki; at sila ay tinawag na Jacom, at Gilgas, at Mahas, at Orihas. At ang kapatid ni Jared ay nagkaroon din ng mga anak na lalaki’t babae. At ang mga kaibigan ni Jared at ng kanyang kapatid ay may bilang na mga dalawampu at dalawang katao; at sila ay nagkaroon din ng mga anak na lalaki’t babae bago sila nakarating sa lupang pangako; anupa’t sila ay nagsimulang dumami. At sila ay tinuruang lumakad nang mapagkumbaba sa harapan ng Panginoon; at tinuruan din sila ng nasa itaas. At ito ay nangyari na, na sila ay nagsimulang kumalat sa ibabaw ng lupain, at dumami at nagbungkal ng lupa; at sila ay naging makapangyarihan sa lupain.

Eter 6:19

Paglipas ng panahon, ang kapatid ni Jared ay tumanda, at iminungkahi kay Jared na ang mga tao ay magtipon-tipung magkakasama upang mapakinggan niya ang kanilang mga kahilingan.

At ang kapatid ni Jared ay nagsimulang tumanda, at natantong malapit na siyang bumaba sa libingan; kaya nga, sinabi niya kay Jared:

Sama-sama nating tipunin ang ating mga tao upang mabilang natin sila, upang malaman natin sa kanila kung ano ang kanilang hihilingin sa atin bago tayo bumaba sa ating mga libingan.

Eter 6:20–22

Ang bilang ng mga tao ay kinuha, at ipinahayag ng mga tao ang kanilang pagnanais na magkaroon ng hari na maitatalaga.

At alinsunod dito ang mga tao ay sama-samang tinipon. Ngayon, ang bilang ng mga anak na lalaki’t babae ng kapatid ni Jared ay dalawampu at dalawang katao; at ang bilang ng mga anak na lalaki’t babae ni Jared ay labindalawa, siya na may apat na anak na lalaki. At ito ay nangyari na, na binilang nila ang kanilang mga tao; at matapos nilang bilangin sila, itinanong nila sa kanila ang mga bagay na nais nila na kanilang gawin bago sila bumaba sa kanilang mga libingan. At ito ay nangyari na, na hiniling ng mga tao sa kanila na sila ay maghirang ng isa sa mga anak nilang lalaki na maging hari nila.

Eter 6:23

Ang kapatid ni Jared ay nagalala, at kanyang inisip na magdadala ito sa mga tao tungo sa pagkabihag.

At ngayon masdan, ito ay nakapagpadalamhati sa kanila. At sinabi ng kapatid ni Jared sa kanila:

Tunay na ang bagay na ito ay hahantong sa pagkabihag.

Eter 6:24

Sinabi ni Jared sa mga tao na magpatuloy, at sinabi sa kanila na pumili ng isang hari.

Subalit sinabi ni Jared sa kanyang kapatid:

Pahihintulutan mo sila na magkaroon sila ng hari.

At kaya nga sinabi niya sa kanila:

Pumili kayo mula sa aming mga anak na lalaki ng isang hari, maging sinuman ang nais ninyo.

Eter 6:25–27

Pinili ng mga tao ang anak ng kapatid ni Jared, na si Pagag, subalit si Pagag ay tumanggi; ang mga kapatid ni Pagag at mga pinsan ay tumanggi rin, maliban sa anak ni Jared na si Orihas, na sumang-ayon, at naging hari.

At ito ay nangyari na, na pinili nila mgaing ang unang anak na lalaki ng kapatid ni Jared; at ang kanyang pangalan ay Pagag. At ito ay nangyari na, na tumanggi siya at ayaw na maging hari nila. At ninais ng mga tao na pilitin siya ng kanyang ama, subalit tumanggi ang kanyang ama; at inutusan niya sila na hindi sila dapat mamilit ng sinuman na maging hari nila. At ito ay nangyari na, na pinili nila ang lahat ng kapatid na lalaki ni Pagag, at sila ay tumanggi. At ito ay nangyari na, ni sinuman sa mga anak na lalaki ni Jared, maging ang lahat maliban sa isa; at si Orihas ay hinirang na hari ng mga tao.