At ito ay nangyari na, na sa pagtatapos ng apat na taon ay muling dumalaw ang Panginoon sa kapatid ni Jared, [i]2598[/i] at tumayo sa ulap at nakipag-usap sa kanya. [i]2003[/i] At sa loob ng tatlong oras nakipag-usap ang Panginoon sa kapatid ni Jared, at siya ay pinagsabihan dahil sa hindi niya naalaalang manawagan sa pangalan ng Panginoon. At ang kapatid ni Jared ay nagsisi sa kasamaang nagawa niya, [i]2004[/i] at nanawagan sa pangalan ng Panginoon para sa kanyang mga kapatid na kasama niya. At sinabi ng Panginoon sa kanya:
Patatawarin kita at ang iyong mga kapatid sa kanilang mga kasalanan; subalit hindi ka na magkakasalang muli, sapagkat tandaan mo na ang aking Espiritu ay hindi laging kasama ng tao; anupa’t kung magkakasala ka hanggang sa ganap ka nang mahinog ay mawawalay ka mula sa harapan ng Panginoon. At ito ang aking mga nasasaisip sa lupaing ibibigay ko sa inyo bilang inyong mana; sapagkat ito ay magiging lupaing pinili sa lahat ng ibang lupain.
At sinabi ng Panginoon: [i]2599[/i]
Humayo’t gumawa at magtayo, [i]2005[/i]
_alinsunod sa uri ng mga gabara
_na inyong nagawa na.