Eter 15:18–19

At ito ay nangyari na, na si Coriantumer ay muling sumulat ng isang liham kay Shiz, hinihiling na huwag na siyang muli pang humayo upang makidigma, kundi ang kunin niya ang kaharian, at huwag kitlin ang buhay ng mga tao. At masdan, ang Espiritu ng Panginoon ay tumigil na sa pamamatnubay sa kanila, at si Satanas ay may ganap nang kapangyarihan sa mga puso ng mga tao; sapagkat sila ay nagpadala sa katigasan ng kanilang mga puso, at sa pagkabulag ng kanilang mga isipan upang sila ay malipol; anupa’t sila ay muling humayo upang makidigma. [i]2039[/i]

From section: Ang Huling Labanan

From page: Ang Panahon ng Mga Jaredita

Commentary