Eter 6:4

At ito ay nangyari na, nang maihanda na nila ang lahat ng uri ng pagkain, [i]3492[/i] nang sa gayon sila ay mabuhay sa tubig, at pagkain din para sa kanilang kawan ng tupa at baka, at anumang hayop o ibon na madadala nila—at ito ay nangyari na, nang matapos na nilang gawin ang lahat ng bagay na ito, sila ay lumulan sa kanilang mga sasakyang-dagat o gabara, at nagpalaot sa dagat, ipinagkakatiwala ang kanilang sarili sa Panginoon nilang Diyos. [i]2606[/i]

From section: Mga Paglalayag sa Likod ng mga Karagatan ng mga Jaredita

From page: Ang Panahon ng Mga Jaredita

Commentary