Ang Panahon ng Mga Jaredita

Mga Paglalayag sa Likod ng mga Karagatan ng mga Jaredita

Eter 6:2–3

Inilagay ng kapatid ni Jared ang kanyang mga nagniningning na mga bato sa bawat gabara; sila ay nagliliwanag ng mabuti.

Sapagkat ito ay nangyari na, matapos ihanda ng Panginoon ang mga batong dinala ng kapatid ni Jared sa bundok, ang kapatid ni Jared ay bumaba sa bundok, at inilgay niya ang mga bato sa mga sasakyang-dagat na inihanda, isa sa bawat dulo niyon; at masdan, ang mga ito ay nagbigay-liwanag sa mga sasakyang dagat. At sa gayon pinapangyari ng Panginoon na kuminang ang mga bato sa kadiliman, upang magbigay-liwanag sa mga lalaki, babae, at bata, upang hindi nila tawirin ang malawak na mga tubig sa kadiliman.

Eter 6:4

Nagdala ang mga Jaredita ng kanilang mga panustos at paghahayupan sa mga gabara, at naglakbay patungo sa karagatan.

At ito ay nangyari na, nang maihanda na nila ang lahat ng uri ng pagkain, nang sa gayon sila ay mabuhay sa tubig, at pagkain din para sa kanilang kawan ng tupa at baka, at anumang hayop o ibon na madadala nila—at ito ay nangyari na, nang matapos na nilang gawin ang lahat ng bagay na ito, sila ay lumulan sa kanilang mga sasakyang-dagat o gabara, at nagpalaot sa dagat, ipinagkakatiwala ang kanilang sarili sa Panginoon nilang Diyos.

Eter 6:5

Pinapangyari ng Panginoon na magkaroon ng malalakas na hangin upang tangayin sila patungo sa lupang pangako.

At ito ay nangyari na, na pinapangyari ng Panginoong Diyos na magkaroon ng malakas na hangin na iihip sa ibabaw ng mga tubig, patungo sa lupang pangako; at sa gayon sila inanod ng mga alon ng dagat ng hangin.

Eter 6:6

Ang mga gabara ay madalas na lumulubog sa kailaliman ng tubig habang ang mga malalaking alon ay humahampas sa ibabaw nila.

At ito ay nangyari na, na sila ay maraming ulit na nalibing sa kailaliman ng dagat, dahil sa mga malabundok na along humahampas sa kanila, at gayon din sa malakas at kakila-kilabot na bagyong ibinunga ng kalakasan ng hangin.

Ether 6:7

Ang mga gabara ay hindi napapasukan ng tubig, ang mga pagsusumamo ng mga Jaredita sa Panginoon ay nasagot, at ang mga gabara ay hindi lumubog.

At ito ay nangyari na, na kapag sila ay nalilibing sa kailaliman ay walang tubig na makapipinsala sa kanila, ang kanilang sasakyang-dagat ay mahigpit tulad ng isang pinggan, at mahigpit din ito tulad ng arko ni Noe; anupa’t kapag napalilibutan ito ng maraming tubig sila ay nagsusumamo sa Panginoon, at ibinabalik niya itong muli sa ibabaw ng mga tubig.

Eter 6:8

Ang hangin ay patuloy na umiihip, at ang mga Jaredita ay patuloy na umuusad pasulong.

At ito ay nangyari na, na ang hangin ay hindi tumigil sa pag-ihip patungo sa lupang pangako habang sila ay nasa mga tubig; at sa gayon sila itinaboy ng hangin.

Eter 6:9

Ang mga Jaredita ay patuloy na umaawit at nagpapapuri sa Panginoon.

At sila ay nagsiawit ng mga papuri sa Panginoon; oo, ang kapatid ni Jared ay umawit ng mga papuri sa Panginoon, at pinasalamatan niya at pinapurihan ang Panginoon sa buong maghapon; at nang sumapit ang gabi, hindi sila tumigil sa pag-puri sa Panginoon.

Eter 6:10

Ang gabara ng mga Jaredita ay naligtas mula sa mga pagsalakay ng mga mababagsik na mga hayup sa dagat, at ang loob ng mga gabara ay nananatiling naiilawan.

At sa gayon sila naanod; at walang halimaw ng dagat ang makawawasak sa kanila, ni balyena na makapipinsala sa kanila; at sila ay patuloy na nagkaroon ng liwanag, maging ito man ay nasa ibabaw ng tubig o sa ilalim ng tubig.

Eter 6:11–12

Ang kanilang bangka ay naglakbay sa loob ng 344 na mga araw, at sila sa wakas ay nakarating sa lupang pangako, kung saan sila ay tumangis sa kaligayahan at pinapurihan ang Panginoon.

At sa gayon sila naanod, tatlong daan at apatnapu at apat na araw sa tubig. At sila ay dumaong sa dalampasigan ng lupang pangako. At nang iyapak nila ang kanilang mga paa sa dalampasigan ng lupang pangako ay iniyukod nila ang kanilang sarili sa harapan ng Panginoon, at napaluha sa kagalakan sa harapan ng Panginoon, dahil sa nag-uumapaw niyang awa sa kanila.