At ito ay nangyari na, na siya ay nakarating sa mga tubig ng Ripliancum, [i]3520[/i] na, sa pagkakasalin, ay malaki, o nakahihigit sa lahat; dahil dito, nang sila ay makarating sa mga tubig na ito ay itinayo nila ang kanilang mga tolda; at itinayo rin ni Shiz ang kanyang mga tolda sa malapit sa kanila; at samakatwid kinabukasan sila ay humayo sa digmaan. At ito ay nangyari na, na sila ay naglaban sa napakasidhing digmaan, [i]3522[/i] kung saan si Coriantumer ay muling nasugatan, at siya ay nawalan ng malay dahil sa kawalan ng dugo.