At ito ay nangyari na, na sinabi ng Panginoon sa kapatid ni Jared:
Masdan, huwag mong pahihintulutan na ang mga bagay na ito na iyong nakita at narinig ay kumalat sa sanlibutan, hanggang sa dumating ang panahong dadakilain ko ang aking pangalan sa laman; kaya nga, paka-iingatan mo ang mga bagay na iyong nakita at narinig, at hindi mo ito ipakikita sa kanino man. [i]3487[/i]
At masdan, kapag makikipagtagpo ka sa akin, isusulat mo ang mga ito at tatatakan sila, upang walang sinumang makapagpaliwanag sa mga ito; sapagkat isusulat mo ang mga ito sa isang wikang hindi ito mababasa. At masdan, ang dalawang batong ito ay ibibigay ko sa iyo, at tatatakan mo rin ang mga ito kasama ng mga bagay na iyong isusulat.
Sapagkat masdan, ang wikang iyong isusulat ay nilito ko; anupa’t papangyarihin ko sa aking sariling takdang panahon na ang mga batong ito ay liliwanagin sa mga mata ng tao ang mga bagay na ito na iyong isusulat.