At ngayon, ako, si Moroni, tulad ng aking sinabi, ay hindi makagagawa ng buong ulat ng mga bagay na ito na nasusulat, anupa’t sapat na sa akin ang sabihing ipinakita ni Jesus ang kanyang sarili sa taong ito sa espiritu, [i]3486[/i] maging alinsunod sa uri at sa pagkakatulad ng yaon ding katawan nang ipakita niya ang kanyang sarili sa mga Nephita.
At siya ay naglingkod sa kanya maging tulad ng paglilingkod niya sa mga Nephita; at lahat ng ito, upang malaman ng taong ito na siya ang Diyos, dahil sa maraming dakilang gawaing ipinakita ng Panginoon sa kanya.
At dahil sa kaalaman ng taong ito ay hindi siya maaaring pagbawalang makakita sa loob ng tabing; at nakita niya ang daliri ni Jesus, na, nang makita niya, siya ay napatirapa sa takot; sapagkat nalalaman niya na ito ang daliri ng Panginoon; at hindi na siya nagkaroon pa ng pananampalataya, sapagkat nalalaman niya, nang walang pag-aalinlangan.
Dahil dito, nagtataglay ng ganap na kaalaman ng Diyos, hindi siya maaaring pagbawalan sa loob ng tabing; kaya nga nakita niya si Jesus; at siya ay naglingkod sa kanya.