At nang sabihin ng Panginoon ang mga salitang ito, ipinakita niya sa kapatid ni Jared ang lahat ng nanirahan sa mundo noon, at gayon din ang lahat ng maninirahan pa; at hindi niya sila ipinagkait sa kanyang paningin, maging sa mga dulo ng mundo. Sapagkat sinabi niya sa kanya sa mga panahong lumipas, na kung siya ay maniniwala sa kanya na maipakikita niya sa kanya ang lahat ng bagay—ito ay ipakikita sa kanya; anupa’t ang Panginoon ay hindi makapagkakait ng anumang bagay sa kanya, sapagkat nalalaman niyang maipakikita ng Panginoon sa kanya ang lahat ng bagay. [i]2019[/i]