Kaya nga, sinuman ang maniniwala sa Diyos ay maaaring umasa nang may katiyakan para sa isang daigdig na higit na mainam, [i]2031[/i] oo, maging isang lugar sa kanang kamay ng Diyos, kung aling pag-asa ay bunga ng pananampalataya, na gumagawa ng isang daungan sa mga kaluluwa ng tao, na siyang magbibigay sa kanila ng katiyakan at katatagan, nananagana tuwina sa mabubuting gawa, inaakay na purihin ang Diyos. At ito ay nangyari na, na si Eter ay nagpropesiya ng mga dakila at kagila-gilalas na bagay sa mga tao, na hindi nila pinaniwalaan, dahil sa hindi nila nakita ang mga ito.