Subalit dakila at kagila-gilalas ang mga propesiya ni Eter; subalit kanilang itinuring siyang walang kabuluhan, [i]1063[/i] at itinaboy siya; [i]2032[/i] at ikinukubli niya ang kanyang sarili sa butas ng isang malaking bato sa araw, [i]2033[/i] at sa gabi siya ay humahayo’t tinatanaw ang mga bagay na nangyayari sa mga tao. At habang siya ay namamalagi sa butas ng isang malaking bato [i]3505[/i] ay ginawa niya ang nalalabi sa talaang ito, [i]2034[/i] tinatanaw ang mga pagkalipol na nangyayari sa mga tao, sa gabi. [i]3506[/i]