Eter 12:2–3

At si Eter ay isang propeta ng Panginoon; [i]2030[/i] samakatwid si Eter ay lumitaw sa mga araw ni Coriantumer, at nagsimulang magpropesiya sa mga tao, sapagkat hindi siya magawang pigilin dahil sa Espiritu ng Panginoon na nasa kanya. [i]3501[/i] Sapagkat siya ay nagsumamo mula sa umaga, maging hanggang sa paglubog ng araw, pinapayuhan ang mga tao na maniwala sa Diyos tungo sa pagsisisi at baka sila malipol, sinasabi sa kanila na sa pamamagitan ng pananampalataya ang lahat ng bagay ay naisasakatuparan.

From section: Ang Propetang Eter

From page: Ang Panahon ng Mga Jaredita

Commentary