Eter 11:1–4

At nagkaroon din ng maraming propeta sa mga araw ni Com, [i]2611[/i] at iprinopesiya ang pagkalipol ng mga yaong makapangyarihang tao maliban kung sila ay magsisisi, [i]2027[/i] at bumaling sa Panginoon, at talikdan ang kanilang mga pagpaslang at kasamaan. [i]2609[/i] At ito ay nangyari na, na ang mga propeta ay itinakwil ng mga tao, [i]2612[/i] at sila ay nagsitakas patungo kay Com upang mapangalagaan, sapagkat hinangad ng mga tao na patayin sila. [i]2028[/i] At sila ay nagpropesiya ng maraming bagay kay Com; at siya ay pinagpala sa lahat ng nalalabi niyang mga araw. At siya ay nabuhay sa mainam na katandaan, at isinilang sa kanya si Siblom; at si Siblom ay nagharing kahalili niya.

From section: Ang Pagkabihag ni Hertum, Het, Aaron, Amnigadas, Coriantum at Com

From page: Ang Panahon ng Mga Jaredita

Commentary