At ito ay nangyari na, na nagkaroon ng himagsikan sa mga tao, dahil sa yaong lihim na pakikipagsabwatan na itinatag upang mag-angkin ng kapangyarihan at makinabang; at may lumitaw na isang makapangyarihang lalaki sa kasamaan sa kanila, at nakidigma kay Moron, kung saan ay napabagsak niya ang kalahati ng kaharian; at napanatili niya ang kalahati ng kaharian ng maraming taon.
At ito ay nangyari na, na napabagsak siya ni Moron, at muling natamo ang kaharian.
At ito ay nangyari na, na may isa pang makapangyarihang lalaki ang lumitaw; at siya ay isang inapo ng kapatid ni Jared. At ito ay nangyari na, na napabagsak niya si Moron at natamo ang kaharian; anupa’t si Moron ay namalagi sa pagkabihag sa lahat ng nalalabi niyang mga araw; at isinilang sa kanya si Coriantor.