Gayon pa man, sila ay nakatuklas ng isang lupain na natirahan ng mga tao; oo, isang lupaing nababalot ng mga tuyong buto; oo, isang lupaing natirahan ng mga tao at mga nalipol; at sila, sa pag-aakalang ito ang lupain ng Zarahemla, ay nagbalik sa lupain ng Nephi, na nakarating sa mga hangganan ng lupain mga ilang araw bago ang pagdating ni Ammon. At sila ay may dalang isang talaan, maging ang talaan ng mga tao na ang mga buto ay kanilang natagpuan; at ito ay nauukit sa mga lamina ng inang mina.