At ito ay nangyari na, na may lumitaw na isang Sared, at siya ay nakidigma rin kay Coriantumer; at nagapi niya siya, kung kaya’t sa ikatlong taon siya ay kanyang nadala sa pagkabihag. At ang mga anak na lalaki ni Coriantumer, sa ikaapat na taon, ay nagapi si Sared, at nabawing muli ang kaharian para sa kanilang ama.
Ngayon nagsimulang magkaroon ng isang digmaan sa ibabaw ng buong lupain, bawat tao kasama ng kanyang pangkat ay nakikipaglaban para sa yaong kanyang naisin. At may mga tulisan, at sa madaling salita, lahat ng uri ng kasamaan sa ibabaw ng buong lupain.
At ito ay nangyari na, na si Coriantumer ay labis na nagalit kay Sared, at siya ay humayo kasama ang kanyang hukbo laban sa kanya upang makidigma; at sila ay nagharap sa masidhing galit, at sila ay nagharap sa lambak ng Gilgal; at ang digmaan ay naging napakasidhi. At ito ay nangyari na, na si Sared ay nakipaglaban sa kanya sa loob ng tatlong araw. At ito ay nangyari na, na nagapi siya ni Coriantumer, at tinugis siya hanggang sa siya ay makarating sa kapatagan ng Heslon.
At ito ay nangyari na, na si Sared ay muling nakidigma sa kanya sa kapatagan; at masdan, nagapi niya si Coriantumer, at naitaboy siyang muli pabalik sa lambak ng Gilgal. At si Coriantumer ay muling nakidigma kay Sared sa lambak ng Gilgal, kung saan niya nagapi si Sared at napatay siya. At si Coriantumer ay nasugatan ni Sared sa kanyang hita, kung kaya’t hindi siya muling nakidigma sa loob ng dalawang taon, kung saang panahon ang lahat ng tao sa ibabaw ng lupain ay nagsisipagdanak ng dugo, at walang sinuman ang makapipigil sa kanila.
At ngayon nagsimulang magkaroon ng masidhing sumpa sa buong lupain dahil sa kasamaan ng mga tao, kung saan, kapag inilagay ng isang lalaki ang kanyang kagamitan o kanyang espada sa kanyang lalagyan, o sa lugar kung saan man niya ito itinatago, masdan, sa kinabukasan, ay hindi na niya ito matagpuan, napakasidhi ng naging sumpa sa lupain. Kaya nga, ang bawat tao ay hindi binibitiwan ang kanyang pag-aari, ng kanyang mga kamay, at tumangging manghiram o ang siya man ang magpahiram; at bawat tao’y pinananatili ang puluhan ng kanyang espada sa kanyang kanang kamay, sa pagtatanggol ng kanyang ari-arian at kanyang sariling buhay at sa kanyang mga asawa at anak.
At ngayon, makalipas ang dalawang taon, at pagkamatay ni Sared, masdan, lumitaw ang kapatid na lalaki ni Sared at siya ay nakidigma kay Coriantumer, kung saan siya ay nagapi ni Coriantumer at tinugis siya sa ilang ng Akis.
Ngayon, ang kapatid ni Sared na ang pangalan ay Gilead, ...
At ito ay nangyari na, na ang kapatid ni Sared ay nakidigma sa kanya sa ilang ng Akis; at ang digmaan ay naging napakasidhi, at maraming libo-libo ang bumagsak sa pamamagitan ng espada.
At ito ay nangyari na, na si Coriantumer ay kumubkob sa ilang; at ang kapatid ni Sared ay humayong palabas ng ilang kinagabihan, at pinatay ang isang bahagi ng hukbo ni Coriantumer, habang sila’y mga lango.
At siya ay nagtungo sa lupain ng Moron, at iniupo ang kanyang sarili sa trono ni Coriantumer.
At ito ay nangyari na, na si Coriantumer ay namalagi sa ilang kasama ang kanyang hukbo sa loob ng dalawang taon, kung saan siya nakatanggap ng labis na lakas sa kanyang hukbo.
Ngayon, ang kapatid ni Sared na ang pangalan ay Gilead, ay nakatanggap din ng labis na lakas sa kanyang hukbo, dahil sa mga lihim na pakikipagsabwatan. At ito ay nangyari na, na pinaslang siya ng kanyang mataas na saserdote habang nakaupo siya sa kanyang trono.
At ito ay nangyari na, na isa sa mga lihim na nakikipagsabwatan ay pinaslang siya sa isang lihim na daanan, at natamo para sa kanyang sarili ang kaharian; at ang pangalan niya ay Lib; at si Lib ay isang lalaking may malaking pangangatawan, higit kaysa sa sinumang lalaki sa lahat ng tao.