At ito ay nangyari na, na si Coriantor ay namalagi sa pagkabihag sa lahat ng kanyang mga araw.
At sa mga araw ni Coriantor ay nagkaroon din ng maraming propeta, at nagpropesiya ng mga dakila at kagila-gilalas na bagay, at nangaral ng pagsisisi sa mga tao, at maliban kung sila ay magsisisi, ang Panginoong Diyos ay magpapatupad ng kahatulan laban sa kanila hanggang sa kanilang lubusang pagkalipol;
At na ang Panginoong Diyos ay magpapadala o magsusugo ng ibang mga tao upang angkinin ang lupain, sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan, alinsunod sa pamamaraan kung paano niya dinala ang kanilang mga ama.
At kanilang tinanggihan ang lahat ng salita ng mga propeta, dahil sa kanilang lihim na samahan at masasamang karumal-dumal na gawain.
At ito ay nangyari na, na isinilang kay Coriantor si Eter, at siya ay namatay, matapos mamalagi sa pagkabihag sa lahat ng kanyang mga araw.