At si Morianton ay nabuhay sa labis na katandaan, at pagkatapos ay isinilang sa kanya si Kim; at si Kim ay nagharing kahalili ng kanyang ama; at siya ay naghari ng walong taon, at ang kanyang ama ay namatay. At ito ay nangyari na, na si Kim ay hindi naghari sa katwiran, kaya nga, siya ay hindi pinagpala ng Panginoon. At ang kanyang kapatid na lalaki ay nag-aklas sa paghihimagsik laban sa kanya, sa gayong paraan siya ay nadala niya sa pagkabihag; at nanatili siya sa pagkabihag sa lahat ng kanyang mga araw; at siya ay nagkaroon ng mga anak na lalaki’t babae sa pagkabihag, at sa kanyang katandaan ay isinilang sa kanya si Levi; at siya ay namatay.