Eter 15:12–14

At ito ay nangyari na, na magkakasama nilang tinipon ang lahat ng tao sa ibabaw ng buong lupain, na hindi napatay, maliban kay Eter. At ito ay nangyari na, na namasdan ni Eter ang lahat ng gawain ng mga tao; at namasdan niya na ang mga taong pumanig kay Coriantumer ay tinipon sa hukbo ni Coriantumer; at ang mga taong pumapanig kay Shiz ay tinipon sa hukbo ni Shiz. Samakatwid, sa loob ng apat na taon kanilang tinipon ang mga tao, [i]3523[/i] upang makuha nila ang lahat ng tao sa ibabaw ng lupain, at upang makatanggap sila ng lahat ng lakas na maaari nilang matanggap.

From section: Nabigong Negosasyon at ang Panimulang Pagsalakay

From page: Ang Panahon ng Mga Jaredita

Commentary