At ito ay nangyari na, na sa unang taon ni Lib, si Coriantumer ay nagtungo sa lupain ng Moron, at nakidigma kay Lib.
At ito ay nangyari na, na siya ay nakipaglaban kay Lib, kung saan siya ay nasaksak ni Lib sa kanyang bisig kung kaya’t siya ay nasugatan; gayon pa man, ang hukbo ni Coriantumer ay sumalakay kay Lib, kung kaya’t siya ay tumakas sa mga hangganan sa dalampasigan.
At ito ay nangyari na, na tinugis siya ni Coriantumer; at si Lib ay nakidigma sa kanya sa dalampasigan.
At ito ay nangyari na, na binagabag ni Lib ang hukbo ni Coriantumer, kung kaya’t sila ay muling nagsitakas patungo sa ilang ng Akis.
At ito ay nangyari na, na tinugis siya ni Lib hanggang sa siya ay makarating sa kapatagan ng Agas. At isinamang lahat ni Coriantumer ang mga tao sa kanya nang siya ay tumakas sa harapan ni Lib sa dakong yaon ng lupain kung saan man siya tumakas.
At nang marating niya ang kapatagan ng Agas siya ay nakidigma kay Lib, at kanyang sinaksak siya hanggang sa siya ay mamatay; gayon pa man, ang kapatid na lalaki ni Lib ay sumalakay na kahalili niya laban kay Coriantumer, at ang digmaan ay naging napakasidhi, kung saan si Coriantumer ay muling tumakas sa harapan ng hukbo ng kapatid ni Lib. Ngayon, ang pangalan ng kapatid na lalaki ni Lib ay tinatawag na Shiz.