At ito ay nangyari na, na hindi ginawa ni Riplakis ang yaong tama sa paningin ng Panginoon, sapagkat siya ay nagkaroon ng maraming asawa’t kalunya, at iniatang sa balikat ng mga tao ang yaong napakabigat pasanin; oo, kanyang pinatawan sila ng mabibigat na buwis; at sa pamamagitan ng mga buwis siya ay nagpatayo ng maraming maluwang na gusali.
At siya ay nagpatayo ng isang napakagandang trono; at siya ay nagpatayo ng maraming bilangguan, at sinuman ang hindi paiilalim sa mga buwis ay ipinatatapon niya sa bilangguan; at iniutos niya na patuloy silang gumawa para sa kanilang ikabubuhay; at sinuman ang tumangging gumawa ay ipinapapatay niya.
Samakatwid nakuha niya ang lahat ng kanyang maiinam na gayak, oo, maging ang kanyang maiinam na ginto ay iniutos niyang ipalantay sa bilangguan; at lahat ng uri ng maiinam na pagkakayari ay pinapangyari niyang isagawa sa bilangguan. At ito ay nangyari na, na pinahirapan niya ang mga tao sa pamamagitan ng kanyang mga pagpapatutot at karumal-dumal na gawain.
At nang makapaghari na siya sa loob ng apatnapu at dalawang taon, ang mga tao ay nag-aklas sa paghihimagsik laban sa kanya; at nagsimulang magkaroon muli ng digmaan sa lupain, hanggang sa si Riplakis ay napatay, at ang kanyang mga inapo ay itinaboy palabas ng lupain.