At ito ay nangyari na, na dininig ng Panginoon ang kapatid ni Jared, [i]3471[/i] at nahabag sa kanya, at sinabi sa kanya:
Humayo at sama-samang tipunin ang inyong mga kawan, [i]1996[/i] kapwa lalaki’t babae, ng bawat uri; at ang mga binhi rin ng lupa ng bawat uri; at ang inyong mga mag-anak; at si Jared din na iyong kapatid at ang kanyang mag-anak; at gayon din ang inyong mga kaibigan at ang kanilang mga mag-anak, at ang mga kaibigan ni Jared at ang kanilang mga mag-anak.
At kapag nagawa mo na ito ay hahayo ka sa unahan nila pababa sa lambak na pahilaga. [i]1997[/i] At doon kita katatagpuin, at ako ay hahayo sa harapan ninyo sa isang piling lupain sa lahat ng lupain sa mundo.At doon pagpapalain kita at ang mga binhi mo, at magbabangon para sa aking sarili sa iyong mga binhi, at sa mga binhi ng iyong kapatid, at sila na sasama sa iyo, ng isang dakilang bansa.
At hindi magkakaroon ng higit pa sa kadakilaan ng bansang aalagaan ko sa iyong mga binhi, sa balat ng lupa. At gayon ang gagawin ko sa iyo dahil sa mahabang panahong ito ay nagsumamo ka sa akin.