Ang Panahon ng Mga Jaredita

Kapahamakan sa Ilalim ni Siblom

Eter 11:4

Ang kapatid ni Siblom ay naghimagsik, at isang digmaan ang sumiklab.

At ang kapatid na lalaki ni Siblom ay naghimagsik laban sa kanya, at nagsimulang magkaroon ng napakasidhing digmaan sa buong lupain.

Eter 11:6

Ang mga propeta ay dumating at binalaan ang mga tao na magsisi o isang kakila-kilabot na pagkawasak ang sasapit sa mga Jaredita.

At nagkaroon ng masidhing sakuna sa buong lupain, sapagkat sila ay nagpatotoo na isang kakila-kilabot na sumpa ang darating sa lupain, at gayon din sa mga tao, at na magkakaroon ng malaking pagkalipol sa kanila, na kailanman ay hindi pa nangyayari sa balat ng lupa, at ang kanilang mga buto ay matutulad sa mga bunton ng lupa sa ibabaw ng lupain maliban kung sila ay magsisisi ng kanilang kasamaan.

Eter 11:5

Ipinapatay ng kapatid ni Siblom ang lahat ng propeta na nagbabala hinggil sa kanilang pagkawasak.

At ito ay nangyari na, na pinapangyaring ipapatay ng kapatid na lalaki ni Siblom ang mga propetang nagpropesiya ng pagkalipol ng mga tao;

Eter 11:7

Isang malagim na pagkawasak ang tunay na sumunod, at maraming mga tao ang namatay sa digmaan, labanan, taggutom, at mga salot.

At hindi nila pinakinggan ang tinig ng Panginoon, dahil sa kanilang masasamang pakikipagsabwatan; anupa’t nagsimulang magkaroon ng mga digmaan at alitan sa buong lupain, at gayon din ng maraming taggutom at salot, hanggang sa magkaroon ng masidhing pagkawasak, na kailanman ay hindi pa nalalaman sa balat ng lupa; at ang lahat ng ito’y nangyari sa mga araw ni Siblom.

Eter 11:8

Ang mga tao ay nagsimulang magsisi, at ang Panginoon ay maawain.

At ang mga tao ay nagsimulang magsisi ng kanilang kasamaan; at nang gawin nila ito ang Panginoon ay naawa sa kanila.

Eter 11:9

Si Siblom ay napatay, at ang kanyang anak na si Set ay nabihag.

At ito ay nangyari na, na si Siblom ay napatay, at si Set ay nadala sa pagkabihag, at namalagi sa pagkabihag sa lahat ng kanyang mga araw.