Eter 2:23–25

At sinabi ng Panginoon sa kapatid ni Jared:

Ano ang nais mong gawin ko [i]2011[/i] upang magkaroon ng liwanag sa inyong mga sasakyang-dagat? Sapagkat masdan, hindi kayo maaaring maglagay ng mga bintana, sapagkat ang mga ito ay madudurog nang pira-piraso; ni hindi kayo maaaring magpaningas ng apoy, sapagkat hindi kayo hahayo sa pamamagitan ng liwanag ng apoy. Sapagkat masdan, kayo ay matutulad sa balyena sa gitna ng dagat; sapagkat ang mga malabundok na alon ay hahampas sa inyo.

Gayon pa man, muli ko kayong ilalabas mula sa kailaliman ng dagat; sapagkat ang mga hangin ay nanggagaling mula sa aking bibig, at gayon din ang mga ulan at ang mga baha ay aking ipinadala. At masdan, inihahanda ko kayo laban sa mga bagay na ito; sapagkat hindi kayo maaaring tumawid sa malawak na kailalimang ito maliban lamang kung ihahanda ko kayo laban sa mga alon ng dagat, at sa mga hanging umiihip, at sa bahang darating. Kaya nga ano ang nais mong ihanda ko para sa inyo upang kayo ay magkaroon ng liwanag kapag nilulon na kayo sa mga kailaliman ng dagat?

From section: Mga Pakikibaka sa Pagtatayo ng mga Barko sa Ilang

From page: Ang Panahon ng Mga Jaredita

Commentary