At ang aking kaluluwa ay nabagbag sa pagdadalamhati, dahil sa pagkamatay ng aking mga tao, at ako ay napabulalas:
O kayong mga kaaya-aya,
paanong kayo napalihis sa mga landas ng Panginoon!O kayong mga kaaya-aya,
paanong itinatwa ninyo si Jesus,
na nakatayong bukas ang mga bisig upang kayo ay tanggapin!Masdan, kung hindi ninyo ginawa ito,
hindi sana kayo nangabagsak.Ngunit masdan, kayo ay nangabagsak,
at aking ipinagdadalamhati ang inyong pagkawala.O kayong mga kaaya-ayang anak na lalaki at babae;
kayong mga ama at ina,
kayong mga asawang lalaki at babae,
kayong mga kaaya-aya,
paanong kayo ay nangabagsak!Ngunit masdan, kayo ay wala na,
at hindi kayo maibabalik ng aking mga kalungkutan.At ang araw ay malapit nang dumating
na ang inyong pagiging may kamatayan ay kinakailangang magbihis ng kawalang-kamatayan,
at ang mga katawang ito
na naaagnas na sa kabulukan
ay kinakailangang maging mga walang kabulukang katawan;At pagkatapos kayo ay tatayo
sa hukumang-luklukan ni Cristo,
upang hatulan alinsunod sa inyong mga gawa;
at kung sakaling kayo ay mabubuti,
sa gayon kayo ay pagpapalain kasama ng inyong mga ama
na nangauna na sa inyo.O kung kayo lamang ay nagsipagsisi
bago ang malaking pagkalipol na ito ay sumapit sa inyo.Ngunit masdan, kayo ay wala na,
at ang Ama,
oo, ang Amang Walang Hanggan ng langit,
ay nalalaman ang inyong kalagayan;At gagawin niya sa inyo alinsunod sa kanyang katarungan at awa.