At ang aking kaluluwa ay nabagbag sa pagdadalamhati, [i]1972[/i] dahil sa pagkamatay ng aking mga tao, at ako ay napabulalas:
O kayong mga kaaya-aya, [i]1231[/i]
_paanong kayo napalihis sa mga landas ng Panginoon!O kayong mga kaaya-aya,
_paanong itinatwa ninyo si Jesus,
_na nakatayong bukas ang mga bisig upang kayo ay tanggapin! [i]1973[/i]Masdan, kung hindi ninyo ginawa ito,
_hindi sana kayo nangabagsak.Ngunit masdan, kayo ay nangabagsak,
_at aking ipinagdadalamhati ang inyong pagkawala.O kayong mga kaaya-ayang anak na lalaki at babae;
_kayong mga ama at ina,
_kayong mga asawang lalaki at babae,
_kayong mga kaaya-aya,
_paanong kayo ay nangabagsak!Ngunit masdan, kayo ay wala na,
_at hindi kayo maibabalik ng aking mga kalungkutan.At ang araw ay malapit nang dumating
_na ang inyong pagiging may kamatayan ay kinakailangang magbihis ng kawalang-kamatayan,
_at ang mga katawang ito
_na naaagnas na sa kabulukan
_ay kinakailangang maging mga walang kabulukang katawan;At pagkatapos kayo ay tatayo
_sa hukumang-luklukan ni Cristo,
_upang hatulan alinsunod sa inyong mga gawa;
_at kung sakaling kayo ay mabubuti,
_sa gayon kayo ay pagpapalain kasama ng inyong mga ama
_na nangauna na sa inyo.O kung kayo lamang ay nagsipagsisi [i]3573[/i]
_bago ang malaking pagkalipol na ito ay sumapit sa inyo.Ngunit masdan, kayo ay wala na,
_at ang Ama,
_oo, ang Amang Walang Hanggan ng langit,
_ay nalalaman ang inyong kalagayan;At gagawin niya sa inyo alinsunod sa kanyang katarungan at awa.