AT ngayon ako, si Mormon, na nahahanda nang ibigay ang talaang aking ginagawa sa mga kamay ng aking anak na lalaking si Moroni, masdan, aking nasaksihan ang halos buong pagkalipol ng aking mga tao, ang mga Nephita.
At maraming daang taon na ang nakalipas matapos ang pagparito ni Cristo nang ibigay ko ang mga talaang ito sa mga kamay ng aking anak; at inaakala kong masasaksihan niya ang ganap na pagkalipol ng aking mga tao. Subalit ipagkaloob nawa ng Diyos na makaligtas siya sa kanila, upang makasulat siya kahit paano ng hinggil sa kanila, at kahit paano hinggil kay Cristo, na baka sakali isang araw ay mapakinabangan nila.