Ang Pag-unti at Pagbagsak ng Mga Nephita

Dalawang Siglong Yutopia sa Sion

4 Nephi 1
Ang panahon ay lumipas, at lahat ng mga yaong nagsisi, nabinyagan, at nakatanggap ng Espiritu Santo ay tatanggapin sa simbahang itinatag ng mga disipulo ni Jesus.
4 Nephi 2
Matapos ng mga sandali, ang bawat isa ay nagbalik-loob, at lahat ay nanirahang magkakasama ng mapayapa.
4 Nephi 3
Ang mga tao ay nanirahan sa kalayaan at pagkakapantay-pantay.
4 Nephi 4–5
Ang kapayapaan ay nanagana habang ang mga disipulo ni Jesus ay nagsasagawa ng masasaganang himala sa pangalan ni Jesus.
4 Nephi 6–9
Marami pang mga taon ang lumipas sa kaunlaran, at ang mga tao ay muling isinaayos ang lunsod ng Zarahemla kasama ng marami pang ibang mga lunsod.
4 Nephi 10–12
Ang mga Nephita ay dumami, nakatanggap ng mga pagpapala ng Panginoon, at tinanggap ang bago, at mataas na batas ni Cristo sa halip ng lumang batas ni Moises.
4 Nephi 13
Walang pagtatalo-talo sa mga tao, tanging mga himala lamang.
4 Nephi 14
Isandaang taon ang lumipas mula sa pagbisita ni Cristo; ang mga orihinal na disipulo ay mga namatay at pinalitan (maliban sa tatlo na pinagkalooban ng kawalang kamatayan) at ang karamihan sa unang salinlahi na unang nakasaksi sa pagbisita ni Cristo ay namatay.
4 Nephi 15–17
Ang mga tao ay nagpatuloy na mamuhay sa kapayapaan at katiwasayan—walang pagkakahiwalay ng mga Nephita o Lamanita ngunit silang lahat ay nabibilang sa mga anak ni Cristo.
4 Nephi 18
Sampung taon ang lumipas, ang unang salinlahi ay namatay na lahat, at ang Panginoon ay nagpatuloy na magbasbas sa mga tao sa lahat ng mga bagay.
4 Nephi 19–20
Sa lahat ng panahong ito, si Nephi (ang anak na lalaki ng disipulong si Nephi) ay nangangalaga ng mga talaan ng mga Nephita, at iniabot niya ito sa kanyang anak na lalaki na si Amos, na nagtala na ang maliit na bilang ng mga tao ay nilisan ang mga Nephita at tinaglay ang pagkakakilanlang Lamanita.
4 Nephi 21
Si Amos ay lumikha ng mga talaan, at ipinasa ito sa kanyang anak, na nagngangalan ding Amos.

Paglago ng mga Karibal na Simbahan

4 Nephi 22–23
Dalawang taon ang lumipas, ang mga Nephita ay dumami, at namuhay na maunlad sa kayamanan.
4 Nephi 24–26
Ang pag-unlad ng mga tao sa ekonomiya ang naging dahilan upang sila'y maging palalo, at ang pagkakahati-hati sa mga uri ay nagsimulang umusbong, na naghahatid ng mga paghihirap sa simbahan.
4 Nephi 27–28
Sa loob ng sampung taon, ang ibang mga simbahan ay uusbong; ay itatatwa ang maraming mga punto ng ebanghelyo at sa lahat ng panahon ay sasabihing kilala si Cristo.
4 Nephi 29–30
Isang simbahan ay itinatatwa si Cristo, at nagsimulang usigin ang orihinal na simbahan; ang ilang mga disipulo ay ipinatapon sa bilangguan, subalit sila ay mahimalang nakatakas.
4 Nephi 31–34
Tulad na ang mga Hudyo ay hinangad na patayin si Jesus, ang mga nagtatalo-talong simbahan ay sinikap na wasakin ang mga orihinal na mga naniniwala.

Pagkasira sa Lipunan

4 Nephi 35–37
Ang mga tao ay nagsimulang maghati-hati sa mga pangkat tulad ng isang lipunan sa mga nakaraang siglo; Ang mga naniniwala ay tinaglay ang pagkakakilanlan bilang Nephita, Lamanita, Jacobeo, Josefita, at Zoramita.
4 Nephi 38–39
Ang mga hindi naniniwala ay tinaglay ang pagkakakilanlan bilang mga Lamanita, Lemuelita, at Ismaelita; naghimagsik sila laban sa ebanghelyo, at tinuruang kamuhian ang mga naniniwala.
4 Nephi 40–41
Ang populasyon ng mga hindi naniniwala ay lumago kaysa sa pangkat ng mga naniniwala.
4 Nephi 42–44
Ang lihim na mga samahang Gadianton ay binuhay, at ang kapalaluan ay nagpapahina sa mga puso ng mga tao—ang tatlong disipulo ni Jesus ay nagsimulang malungkot para sa mga kasalanan ng sanlibutan.
4 Nephi 45–46
Ang impluwensiya ng Gadianton ay kumalat sa puntong ang lahat ng mga pangkat ay parehong naging masasama at tiwali.

Si Amaron at ang mga Talaan ng mga Nephita

4 Nephi 47
Si Amos ay namatay, at ang kanyang kapatid na si Amaron ang naging tagapangalaga ng mga talaan ng mga Nephita.
4 Nephi 48
Si Amaron ay inudyokan ng Banal na Espiritu na itago ang mga talaan ng mga Nephita.
4 Nephi 49, Mormon 1:3
Sumunod si Amaron, at itinago ang mga talaan sa bundok Shim.

Kabataan ni Mormon

Mormon 1:1–4
Si Amaron ay nagtungo sa isang sampung taong gulang na lalaki na nagngangalang Mormon, at sinabi sa kanya na kapag siya ay dalawampu’t apat na taong gulang na, kinakailangan niyang magtungo sa burol ng Shim, at kunin ang mga talaan ng mga Nephita, at magdagdag doon ng mga gawa ng mga Nephita sa kanyang panahon.
Mormon 1:5–7
Sa sumunod na taon, ang ama ni Mormon (na nagngangalan ding Mormon) ay dinala si Mormon sa katimugan, sa lupain ng Zarahemla, na naging napakaraming nang tao ang naninirahan.
Mormon 1:8–10
Isang digmaan ang sumiklab malapit sa Zarahemla sa pagitan ng mga magkakaalyadong Nephita at magkakaalyadong Lamanita.
Mormon 1:11–12
Ang mga Nephita, nagtipon ng hukbo na 30,000 na mga kawal, ay nagawang maitaboy ang mga Lamanita at maibalik ang kapayapaan.
Mormon 1:13–14
Malawakang kasamaan ang nagiging dahilan na ang Banal na Espiritu ay lumisan, at ang mga disipulo ay kinuha.
Mormon 1:15–17
Si Mormon, na ngayo’y 15, ay lumaki sa espirituwalidad, at nalalaman ang mga kabutihan ni Jesus; ninais niyang mangaral sa mga tao, subalit siya’y pinagbawalan.
Mormon 1:18–19
Ang impluwensiya ng Gadianton ay nagpatuloy sa pagkalat, ang mga gamit at pagmamayari ng mga tao ay nagsimulang mawala; ang mga pangkukulam, mga salamangkero at satanista ay nanagana sa lupain.

Ang Pagtatalaga kay Mormon Bilang Komander ng Militar

Mormon 2:1–2
Si Mormon, na ngayon labing-anim na taong gulang na, ay itinalagang pinuno ng militar ng mga Nephita sa pakikipagtunggali laban sa mga Lamanita.
Mormon 2:3–6
Si Mormon, na ngayo’y labing-pito, ay namuno sa hukbo ng mga Nephita laban sa mga Lamanita; ang mga Lamanita muli ay nakalalamang, at ang mga Nephita ay nagsiurong patungo sa lungsod na tinatawag na Angola, pagkatapos ay itinaboy patungo sa lupain ng David, at pagkatapos sa lupain ng Josue.
Mormon 2:7–8
Sinubukan ni Mormon na tipunin ang kanyang mga tao na magkakasama, subalit ito ay napigilan ng mga tulisan at mga lamanitang nakakalat sa buong lupain; sa kabila ng malagim na alitan, at ang mga Nephita ay tumangging magsisi.
Mormon 2:9
Ang hukbo ng Lamanita na 44,000, na pinamumunuan ng hari na nagngangalang Aaron, ay dumating laban sa hukbo ni Mormon na 42,000, nagawa ni Mormon na matalo ang hukbo ni Aaron.
Mormon 2:10–11
Ang mga Nephita ay nagsimulang magsisi at magdalamhati para sa kanilang pagdurusa at paghihirap.
Mormon 2:12–15
Si Mormon ay nagkaroon ng pag-asa nang makita ang kanilang pagsisisi, subalit nalungkot nang mapagtanto niya na ito ay hindi makadiyos na kalungkutan, tanging kalungkutan lamang ng mga isinumpa.

Ang Karampatang Gulang ni Mormon

Mormon 2:17–19
Ayon sa kahilingan ni Amoron, si Mormon, sa edad na 24, ay tumungo sa burol Shim, ang lugar ng mga talaan, at idagdag sa mga lamina ni Nephi ang kasaysayan ng kanyang mga tao—ang kuwento ng kanilang mga kasamaan at kasalanan.
Mormon 2:16–17
Sa ika-34 na taon ni Mormon, ang mga Lamanita ay sumalakay sa mga Nephita at naitaboy sila sa hilaga sa lupaing tinatawag na Jashon.
Mormon 2:20–22
Ang mga Nephita ay umurong papunta sa lupaing tinatawag na Sem, at sinubukang ipagitna ang kanilang mga sarili; dalawang taon pagkatapos, ang mga Lamanita ay nagsimulang lumusob.
Mormon 2:23–24
Pinukaw ni Mormon ang kanyang mga tao sa pamamagitan ng paghikayat sa kanila na tumindig para sa kanilang mga kababaihan at mga anak, at buong tapang na harapin ang mga Lamanita.
Mormon 2:25–26
Ang hukbong Nephita na may 30,000 ay hinarap ang hukbo ng mga Lamanita na may 50,000, at ang mga Nephita ay nagwagi; subalit ito ay hindi dahil sa paglalaan ng Diyos.
Mormon 2:27–28
Si Mormon, habang nalulungkot para sa kasamaan ng mga tao, ay namuno sa mga Nephita laban sa mga Lamanita at mga tulisang Gadianton at nagawa nilang mabawi ang marami sa kanilang teritoryo.
Mormon 2:28–29
Ang mga Nephita, Lamanita, at mga tulisang Gadianton ay gumawa ng kasunduan na kung saan ang mga lupain ay nahati: kinuha ng mga Nephita ang hilagang lupain, ang lupain ng Zarahemla, at kinuha ng mga Lamanita ang katimurang lupain, ang lupain ng Nephi.

Ang Mga Pagsisikap Pangrelihiyon

Mormon 3:1
Isang dekada ang lumipas sa kapayapaan, subalit si Mormon, ngayon ay 50, ay muling inihanda ang kanyang mga tao para sa paparating na labanan.
Mormon 3:2
Inutusan ng Panginoon si Mormon na mangaral sa mga tao, binibilinan silang magsisi, mabinyagan, at itayo ang simbahan.
Moroni 7:1–48
Lamang sa pagkakataong ito ng pangangaral, si Mormon ay nagsalita ng isang sermon sa pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig sa kapwa tao sa sinagoga.
Mormon 3:3
Ang mga pangangaral ni Mormon ay isinawalang-bahala ng karamihan dahil hindi kinikilala ng mga tao ang kamay ng Diyos sa kanilang mga buhay, at sa halip, ay tinanggihan siya.
Moroni 8:1–30
Maaaring sa mga panahong ito ng mga pagsisikap sa relihiyon, ang anak ni Mormon na si Moroni ay tinawag sa ministeryo, at si Mormon ay sumulat ng isang liham na humahatol sa mga maling doktrina, higit sa lahat ang pagsasagawa ng pagbibinyag sa maliliit na bata.

Ang Dalawang Pagsalakay ng mga Lamanita sa Lupaing Kapanglawan

Mormon 3:4
Ang haring Lamanita ay nagpadala ng isang liham kay Mormon, at ipinaalam sa kaniya na sila ay parating para sa isang digmaan.
Mormon 3:5–6
Tinipon ni Mormon ang lahat ng kanyang mga tao ng sama-sama sa Kapanglawan; pinagtibay ng mga Nephita ang kanilang lupain hangga’t maaari.
Mormon 3:7
Ang mga Lamanita ay dumating, sumiklab ang isang labanan, ang mga Nephita ay nagwagi—ang mga Lamanita ay umurong at bumalik sa kanilang sariling lupain.
Mormon 3:8
Dalawang taon pagkatapos, ang mga Lamanita ay sumalakay muli, at muling nagapi.
Mormon 3:9–10
Ang mga Nephita, na nagmamalaki sa kanilang mga tagumpay, ay nagsimulang magmalaki sa kanilang sariling lakas, at sumumpa na ipaghihiganti nila ang yaong mga Nephita na namatay sa labanan.

Ang Paghihiganti ng mga Nephita at ang Pagbibitiw ni Mormon

Mormon 3:11–13
Si Mormon, na nagdadalamhati dahil sa mga kasalanan ng mga tao, ay nagbitiw bilang isang kumandante ng mga Nephita, at mapagmahal na nanalangin para sa kanyang mga tao—subalit ang kanyang panalangin ay walang pananampalataya, sapagkat nalalaman niya kung gaano katitigas ang mga puso ng kanyang mga tao.
Mormon 3:14–15
Habang ang mga Nephita ay humayo upang salakayin ang mga Lamanita sa paghihiganti sa kanilang mga nasawi, ipinaalam ng Panginoon kay Mormon na sila ay hindi magtatagumpay.
Mormon 3:16
Si Mormon ay hindi sumama habang ang mga Nephita ay humahayo laban sa mga Lamanita.
Mormon 4:1–3
Ang pagsalakay ng mga Nephita sa mga Lamanita ay isang pagkabigo, ang mga Nephita ay naitaboy pabalik sa lupaing Kapanglawan, kung saan ang sariwang hukbo ng mga Lamanita ay sinalubong sila—nakuha mula sa pagmamay-ari ng mga Nephita ang Kapanglawan, at ang yaong mga Nephita na nakaligtas sa pagsalakay ay umurong sa malapit na lunsod na tinatawag na Tiankum.
Mormon 4:4–5
Kung ang mga Nephita ay hindi sana nagsagawa ng isang mapaghiganting pagsalakay, hindi sana sila nagapi katulad ng nangyari sa kanila—ang Panginoon kadalasan ay ginagamit ang masama upang parusahan ang masama.

Mga Karagdagang Pag-atake ng mga Lamanita at mga Kalagiman

Mormon 4:6–9
Sa ika-54 na gulang ni Mormon, ang mga Lamanita ay sumalakay sa lunsod ng Tiankum, subalit nagawa ng mga Nephita na panatilihin ang kanilang tindig, at lumusob sa mga Lamanita, maging sa mabawi ang Kapanglawan.
Mormon 4:10–12
Dalawang taon pagkatapos, ang mga Lamanita ay muling sumalakay sa mga Nephita, at isang hindi maisasalarawang kakila-kilabot na labanan ang sumunod, sa lahat ng panahon ang mga Lamanita at mga Nephita ay parehong nagumon sa kasamaan.
Mormon 4:13–14
Nanaig ang mga Lamanita laban sa mga Nephita, nasakop ang Kapanglawan, at lumusob sa Tiankum, kung saan sila ay nagdala ng mga bihag, at inialay ang mga kababaihan at mga bata sa mga diyus-diyusan.
Moroni 9:1–26
Si Mormon ay sumulat ng isang liham sa kanyang anak na si Moroni, sinasabi sa kanya ang tungkol sa kakila-kilabot na pananakop ng mga Lamanita, ang paghina ng parehong mga tao, at nanalangin para sa biyaya ng Diyos.
Mormon 4:15
Ang mga Nephita, na nagagalit dahil sa ang kanilang mga kababaihan at mga anak ay inialay, ay sumalakay sa mga Lamanita, at naging matagumpay na maitaboy sila sa lupain ng mga Nephita.

Ang Labanan sa Boaz

Mormon 4:16–18
Matapos ang isang dekada ng kapayapaan, ang mga Lamanita ay nagtipon ng isang napakalaking hukbo, lumusob papunta sa mga lupain sa kahilagaan, at nagsimulang mapalis ang mga Nephita.
Mormon 4:19–20
Ang mga Lamanita ay nagmartsa papunta sa Kapanglawan, kung saan ang kakila-kilabot na labanan ang sumunod; Ang mga Nephita ay naitaboy mula sa Kapanglawan, at umurong sa lunsod na tinatawag na Boaz, kung saan sa kabila ng pagsalakay ng mga Lamanita, ay naging matagumpay silang maipagtanggol ang kanilang sarili.
Mormon 4:21–22
Nagsagawa ng pangalawang pagsalakay ang mga Lamanita sa Boaz, kung saan nasakop nila ang mga Nephita, at muling inialay ang mga kababaihan at mga bata sa mga diyus-diyusan.
Mormon 4:23
Si Mormon, na ngayon 65 na taong gulang na at nakikita na ang bansang Nephita ay nasa bingit ng pagbagsak, ay nagtungo sa burol Shim, kung saan kinuha niya ang lahat ng mga talaan ng mga Nephita.

Ang Pagbabalik ni Mormon sa Militar

Mormon 5:1–2
Si Mormon ay bumalik sa mga Nephita, at sumang-ayon na muling maging pinunong militar para sa kanila—gayunpaman, nararamdaman ni Mormon ang kawalang pag-asa sa kapalaran ng mga Nephita.
Mormon 5:3
Ang mga Nephita ay lumikas patungo sa lunsod na tinatawag na Jordan; ang mga Lamanita ay sumalakay, subalit ang mga Nephita ay naging matagumpay na maitaboy sila.
Mormon 5:4
Ang mga Lamanita ay sumalakay muli, subalit nagawang panatilihin ng mga Nephita ang lunsod ng Jordan, kasama ng iba pang mga lunsod na kanilang tinitirahan.
Mormon 5:5
Maraming iba pang mga lunsod ang winasak at sinunog ng mga Lamanita.
Mormon 5:6
Limang taon pagkatapos, ang mga Lamanita ay sumalakay muli, at sa kabila ng mga pagsisikap ng mga Nephita, sila ay pinagpapatay ng mga Lamanita.
Mormon 5:7
Ang mga Nephita ay nagsimulang magsitakas, subalit ang mga mababagal ay siniil ng mga Lamanita.

Ang Mga Paghahanda Para sa Huling Pakikipaglaban

Mormon 6:1–3
Si Mormon ay sumulat ng isang liham sa hari ng mga Lamanita na nagmumungkahi na ang dalawang hukbo ay magtagpo para sa isang labanan malapit sa burol Cumorah—ang hari ng mga Lamanita ay sumang-ayon.
Mormon 6:4–5
Si Mormon, na ngayon 74 na taong gulang, ay tinipon ang kanyang mga tao sa lupain ng Cumorah, kung saan inaasahan niya na siya ay makakakuha ng kalamangan laban sa mga Lamanita.
Mormon 6:6
Nang magawa ito, ibinaon niya ang lahat ng mga lumang talaan ng mga Nephita sa burol Cumorah, subalit dinala niya ang sarili niyang mga laminang ginto upang ibigay sa kanyang anak na si Moroni.

Huling Labanan sa Cumorah

Mormon 6:7–8
Ang mga Nephita nagmasid sa takot nang makita ang napakalaking hukbo ng mga Lamanita na paparating.
Mormon 6:9–10
Isang malahalimaw na labanan ay nagsimula, at mga sampung libong mga tao ang namatay; si Mormon ay bumagsak sa lupa, sugatan, at ang mga Lamanita ay napagkamalan siyang isa sa mga patay.
Mormon 6:11
Matapos ang labanan, tanging dalawampu’t apat na mga Nephita lamang ang nakaligtas, dalawa rito ay si Mormon at ang kanyang anak na si Moroni.
Mormon 6:12–15
Nakita ni Mormon ang mga sampung libo sa kanyang mga tauhan na namatay; isinulat niya na ang mga nakaligtas ay kinabibilangan (bilang karagdagan sa 24 na nakatayong sundalo) ng ilang Nephita na tumakas patungo sa timog, at ilang mga Nephita na nagpalit ng ka-alyansa at sumapi sa mga Lamanita.
Mormon 6:16–22
Pinagmasdan ni Mormon ang kakila-kilabot na pangyayari sa kanyang harapan, at pinagluksa ang kawalan sa kanyang mga tao—hinangad niya na sana ay nagsilapit sila kay Jesus at naligtas.

Ang Ministeryo ni Moroni at Ang Pagkalipol ng mga Nephita

Mga Salita ni Mormon 1–2, Eter 1:2
Ibinigay ni Mormon ang mga gintong lamina, kasama ng mga lamina ni Ether, sa kanyang anak na si Moroni.
Mormon 8:2
Ang mga nakaligtas na mga Nephita ay tinugis at pinagpapatay ng mga Lamanita.
Mormon 8:3
Tinugis ng mga Lamanita si Mormon, at pinatay siya; si Moroni ay naiwang mag-isa upang tapusin ang nakalulungkot na kuwento ng kanyang mga tao.
Mormon 8:5
Napagtanto ni Moroni ang mahigpit na kalagayan na kinasasadlakan niya, subalit hinahangad niyang matapos ang mga talaan.
Mormon 8:6–7
Apat na siglo ang lumipas mula ng pagbisita ni Cristo, at ngayon, lahat ng mga Nephita ay namatay.
Mormon 8:8
Ang mga Lamanita ay nagsimulang maglaban sa isa’t isa; ang buong ibabaw ng lupain ay naging isang nakamamatay na pook ng digmaan.
Mormon 8:9–11
Bukod kay Moroni, tanging mga Lamanita at mga tulisang Gadianton na lamang ang natitira, at wala silang kaalaman sa ebanghelyo.
Moroni 10:2, Eter 4:5, Title Page, Mormon 8:4, 14
Matapos idagdag ang kanyang mga salita, dinala ni Moroni ang mga talaan at itinago ito kasama ng mga "kagamitan sa pagsasalin", sa pag-asang ang araw ay darating na ang mga iyon ay ilalabas.