Ang Pag-unti at Pagbagsak ng Mga Nephita

Si Amaron at ang mga Talaan ng mga Nephita

4 Nephi 47

Si Amos ay namatay, at ang kanyang kapatid na si Amaron ang naging tagapangalaga ng mga talaan ng mga Nephita.

At ito ay nangyari na, na pagkaraang ang tatlong daan at limang taon ay lumipas, (at ang mga tao ay nanatili pa rin sa kasamaan) si Amos ay namatay; at ang kanyang kapatid, na si Amaron, ang humaliling nag-ingat ng mga talaan.

4 Nephi 48

Si Amaron ay inudyokan ng Banal na Espiritu na itago ang mga talaan ng mga Nephita.

At ito ay nangyari na, nang lumipas ang tatlong daan at dalawampung taon, si Amaron, na napilit ng Espiritu Santo, ay itinago ang mga talaan na mga banal—oo, maging lahat ng banal na talaang ipinasa-pasa sa bawat sali’t salinlahi, kung alin ay mga banal—maging hanggang sa ikatatlong daan at dalawampung taon mula ng pumarito si Cristo.

4 Nephi 49, Mormon 1:3

Sumunod si Amaron, at itinago ang mga talaan sa bundok Shim.

At kanyang ikinubli ang mga ito ayon sa Panginoon, upang ito ay muling mabalik sa mga labi ng sambahayan ni Jacob, alinsunod sa mga propesiya at sa mga pangako ng Panginoon. At sa gayon nagwawakas ang talaan ni Amaron.


..sa burol na tatawaging Shim; at doon ay inilagak ko ayon sa Panginoon ang lahat ng banal na ukit hinggil sa mga taong ito.