At ito ay nangyari na, na ang aking mga tao, kasama ang kanilang mga asawa at kanilang mga anak, ay namasdan ngayon ang mga hukbo ng mga Lamanita na humahayo patungo sa kanila; at lakip ang kakila-kilabot na takot sa kamatayan na pumupuno sa mga dibdib ng lahat ng masama, ay hinintay nilang tanggapin sila. At ito ay nangyari na, na sila ay sumalakay upang makidigma laban sa amin, [i]1130[/i] at ang bawat tao ay napuspos ng takot dahil sa kalakihan ng kanilang bilang.